Mapagpanggap na tao, paano mabubuking?

Kung gagamitin mo lang ang iyong  utak, malalaman mo agad kung ang isang tao ay  nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Nais mo bang malaman ang mga paraan? Ang kailangan mo lang namang gawin ay basahin mo ang artikulong pinamagatang Mapagpanggap na tao, paano mabubuking?

Una, tumingin ka sa kanyang mga mata. Ang mapagpanggap na tayo ay hindi makatingin ng tuwid sa taong pinagkakasalaan niya. Paano naman kasi niya gagawin iyon kung marami siyang nagawang kalokohan sa’yo? Gayunpaman, masasabi kong mabuti pa rin iyon. Ibig kasing sabihin, may konsensiya pa siya. Ang mga tao kasing di na marunong makonsensiya ay nakakatitig ng diretso sa mga mata ng kanyang niloloko.

Pangalawa, huwag kang maging manhid. Baka inaabuso ka na niya pero hindi mo pa namamalayan. Huwag kang magpabola sa kanya. Sige ka, baka magulat ka na lang kapag nalaman mong sobrang sakit na ang iyong nararamdaman. Kung panay ang hingi niya sa’yo ng kung anu-anong bagay, baka naman mamalayan mo na lang na wala ka ng pera sa susunod na araw.

Pangatlo, pakinggan mo rin ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa’yo. Huwag mong balewalain ang mga naririnig mo. Baka naman kasi may katotohanan iyon. Mag-imbestiga ka kung kinakailangan.

Hindi mo kailangan ng mga pekeng tao sa’yongbuhay, kaya, habang maaga pa ay kilalanin mo na kung sino ang peke at totoo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here