Mapagpalang Hiwaga March 28 : Anong sabi ni Cardinal Tagle sa mga abusadong lider?

Fr. Richard R. Bolaton, STL

LINAMPASO ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle ang mga abusadong lider ng bansa sa kanyang homily sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Tinawag na “mga mapagsamantalang ‘hari’” ng butihing Cardinal ang mga gumagamit ng aniya ng dahas upang kontrolin ang mga mahihina at dukha.

Halos magkahawig ang mensahe ng Prelado sa March 29, 2015 homily ni Pope Francis sa Vatican sa pagsisimula ng Semana Santa noong taon na iyon. Pareho silang nagbigay ng paanyaya sa lahat ng mananampalataya na bigyang-pansin at tularan ang pagtalima ni HesuKristo sa Kalooban ng Ama.

Hinimok ng Arsobispo ang mga Katoliko na idaos at gamitin ang mga Mahal na Araw upang mas malalim na kilalanin si Hesus. Seryoso ang babala ni Tagle laban sa mga arogante at naghahari-hariang lingkod ng bayan. Binansagan ng sikat na ‘Papabili’ ang mga hambog na lider bilang “violent, cocky kings” at  masasamang ehemplo sa kanilang mga nasasakupan, aniya.

Paanyaya ng Cardinal, “This Holy Week, let us focus on Jesus. Let us look and listen to him to get to know him again. It’s important that we again deepen our understanding of Jesus.” Katulad ni Pope Francis, tanong rin ng Kanyang Kabunyian, “Who is Jesus? Who is he that we follow? Why did he come and what is his mission?”

Dagdag ng Arsobispo, “In our world today, we have many kings full of arrogance, lacking of humility. In our time, many of us follow kings who use violence, arms, treats clearly showing lack of understanding and solidarity with the week.” Pangungunsensiyang  saad ni Tagle sa mga nakikinig sa nag-uumapaw na Katedral, “Pilate is asking us: who will you choose— the Barabbases of today or Jesus the King?”

Tuwirang hamon ni Tagle sa kongregasyon: “Is Jesus really my king? Am I ready to accept and follow him? Maaring sa mata daw ng mundo si Kristo ay isang hari ngunit walang kakayahan o kapangyarihan, gayunman, ang tunay na lakas ni Hesus bilang hari sa Kanyang matibay na tiwala sa Ama. “Our king does not trust in violence or arms, bullets and guns,” sapagkat buo raw ang pananalig nito Kanyang Ama.

Inulit ng Cardinal kahapon sa kanyang Misa ang paanyaya ni Pope Francis sa 1.2 Katoliko na parisan ang pagpapakumbaba ni HesuKristo. “Holy Week is about humility,” sabi niya. Sa kanyang paliwanag sa Misa tungkol sa kababang loob ng Anak ng Tao, Inulit ng Arsobispo ang  mensahe ni Lolo Kiko sa una nitong Kuwaresma bilang Papa— ang pamamaraan ng Diyos ay sa pamamagitan ng pagpapakumbaba!

Kung paanong hindi daw kumapit sa HesuKristo sa kapangyarihan upang maging kaisa natin, kailangang hanapin din natin ang ating “lakas” sa pikikiramay sa mga kapus-palad at mahihina. “In truth, Pilate is no match for Jesus. But our king need not defend himself. His personality shows he has full trust in God and love for us. This is a true king. That is dignity. That is power,” paliwanag ni Tagle.

Sa huli, inanyayahan ng pari ang kanyang kawan na sikapin, higit sa lahat, sundan ang pagiging maamo ni HesuKristo, ang ating Panginoon at Hari. Narito, sa wakas, ani Cardinal Tagle ang rason kung bakit pinili ni Hesus ang landas ng pagpapakumbaba: “The serene dignity and silence of the person who trusts in God and who is in full solidarity with sinful humanity, that is true authority. That is our true King. That is the King that will save the world!” aniya.

Ano pong reaksiyon ninyo sa napakagandang paliwanag at paanyaya ng Arsobispo ng Maynila sa pagsisimula ng Semana Santa 2018?

More Mapagpalang Hiwaga

More Religion

SHARE
Previous articleIsyu 201: Namamasyal sa bukid, naglalaro sa dayami at nata-tumbling
Next articleVice Ganda : Ang komedyante ng masa
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here