Mapagpalang Hiwaga March 15: Hamon sa mga Kristiyano ngayon

Mapagpalang Hiwaga March 15: Hamon sa mga Kristiyano ngayon
Fr. Richard R. Bolaton, STL

Mapagpalang Hiwaga March 15: Hamon sa mga Kristiyano ngayonMapagpalang Hiwaga March 15: Hamon sa mga Kristiyano ngayonMasakit ang minsang puna ni Mahatma Gandhi: “I believe in your Christ, but I don’t believe in you Christians!” Sa kasaysayan nanatiling hamon sa mga Kristiyano ang pagiging tapat at totoo sa pananampalataya, lalo na ngayong makabagong panahon kung kailan mistulang pinakamatindi ang hatak ng mundo sanhi ng kawalan ng pagpapahalaga, pagbagsak ng moralidad, pamumulitika at pagkakanya-kanya ng opinyon o paniniwala sa lipunan.  

 Bakas na bakas ang pagiging ‘sabog’ ng napakaraming binyagang Kristiyano lalo na ng mga millenials ngayon. Bigo rin ang supposedly “upright and exemplary” na mga produkto ng Catholic at Christian school. Kung sino pa ‘yung mga gradweyt ng tinaguriang “religious” na eskuwela, sila pa ‘yung mga korupt at imoral. Tsk, tsk, wala na talaga ‘sense of right and wrong’ sa ngayon dahil sa materialistic, pragmatic, indifferent and ammoral na sosyedad.  

 Higit na nakalulungkot ang pananahimik ng Simbahan at iba pangMapagpalang Hiwaga March 15: Hamon sa mga Kristiyano ngayon mga concerned na grupo at sekta sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga mahihirap at nakakalungkot na pangyayari sa ating bansa. Bukambibig ng lahat ay pagbabago ngunit parang wala namang nag-iba sa sitwasyon. Sinasabi ng mga eksperto sa ekonomya at bagong administrasyon na mas gumanda daw ang buhay ngayon, gayunman ‘di naman dama ng marami ang ‘change’.  

Ngayon lang yata pinakagrabe ang pagkakawatak-watak ng mga Pinoy hindi lamang sa politika kundi maging sa pamunuan ng Simbahan. Ang problema, sa totoo lang, ay ang hindi malinaw na direksiyon at malabong layunin ng ating mga pinuno para sa bansa at mga mananampalataya. Lahat ay gusto ng ‘pagbabago’ ngunit kapit-tuko naman sa  kapangyarihan. Walang gustong bumaba sa kanilang mga toreng-gareng dahil lahat ay “magagaling.”  

Ito ang hamon sa mga mananampalataya ngayong panahon: ang muling maging liwanag at asin ng mundo! Na-echa fuera na kasi ang Panginoon kaya hindi natin makamit-kamit ang kapayapaan, kaligayahan at kaligtasan. Kailan natin kaya matutunan na kung wala si Kristo, kadiliman lang ang mayroon? Tama ang kasabihan: “Whoever rejects Christ remains without light and no idea which way to go.” Bakas na bakas talaga ngayon ang pagiging “taranta” ng marami. 

Hindi pa rin kasi tayo marahil natututo sa nakalipas at kasaysayan kung saan madalas mawalay ang pangkaraniwang buhay sa pananampalataya na nagbibigay daan sa pag-alipusta sa mga elementarya at pinagsasalingang katotohanan. Kristiyano man at mga binyagan. marami pa rin sa atin nabubuhay na parang mga pagano— walang ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang Diyos, kasalanan, Krus, pagtitimpi at buhay na walang hanggan. 

Excuse me po, marami na talaga sa ating henerasyon ang ignorante sa pananampalataya dahil sa pagba-bracket ng Diyos sa kanilang buhay, sa kanilang personal at propesyunal na mundo. Sa madaling salita, lubos na nakalulungkot na dagsa na ngayon ang may “double life” bilang mga Kristiyano; at walang pakialam na manaatili ang mundo sa kadiliman dahil sa kakulangan ng pagkakasundo ng kanilang buhay at pananampalataya! 

Saad ni St. Josemaría Escriva, “If we Christians really lived in accordance with our faith, the greatest revolution of all times would take place!” Ganito rin ang puna ni Pope John Paul II noong 1983—  hindi lamang nasira ng kasalanan ang alyansa ng Diyos at tao, maging ng tao sa kapwa at kalikasan: “The sin of man, his rapture with God is the root cause for the tragedies which mark the history of freedom.” Dahil sa kahambugan nawala ang kalayaan nating umibig, bagay na itinuwid at ibinalik ng Diyos kay HesuKristo, aniya. 

More Mapagpalang Hiwaga

More Religion

More 150 Days For Jesus

 

SHARE
Previous articleEula Valdez Bio
Next articlePagpupugay Para sa “‘Night, Mother” ng PETA Theater Center
Avatar
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here