Mapagpalang Hiwaga: Bagong Pista ni Maria bilang Ina ng Simbahan

0
314
Mapagpalang Hiwaga: Bagong Pista ni Maria bilang Ina ng Simbahan
Fr. Richard R. Bolaton, STL

Fr. Richard R. Bolaton, STL

Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department.
He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain.
He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.
Fr. Richard R. Bolaton, STL

Ipinadinagdag ni Pope Francis sa Roman Calendar ang Pista ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Iglesia. Sisimulan ngayong 2018, sa utos ng Banal na Papa, ang selebrasyon ng “Beata Maria Virginis, Ecclesia Matris” Feast—bilang ‘Obligatory Memorial’ sa lahat ng lugar at parokya sa buong mundo tuwing Lunes kasunod ng “Pentekostes” o Piyesta ng pagbaba ng Espiritu Santo.   

Sa nasabing “decree” binibigyang pansin ni Lolo Kiko ang pagiging Ina ni Maria para kay Kristo at ng Simbahan. Matatandaan, taong 1964 sa pagtatapos ng Vatican Council II nang pormal na iprinoklama ni Beato Pope Paul VI ang Mahal na Birhen bilang “Mother of the Church.” Matutunghayan ang teksto ng yumaong Papa sa mga inilaang pagbasa at panalangin ng Simbahan sa bagong tatag na Pista. 

Bagama’t Febrero 11, 2018, araw ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes pa nilagdaan ni Papa Francisco ang nasabing utos, nito lamang Sabado inilabas at ipinagbigay-alam sa buong Simbahan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ang decree.  

Paliwanag ni Cardinal Robert Sarah, Prefect ng nabanggit na Kongregasyon, “The Pope’s decision is based on the ancient tradition built around the devotion to Mary as Mother of the Church.” Ayon sa Kardenal, nais ni Papa Francisco ipalaganap ang debosyon sa Universal Church upang mas palawigin pa ang pagiging “Ina” ng Simbahan sa tanang mananampalataya. Layon din raw nitong mas paigtingin ang pamimitagan ng mga mananampalataya kay Maria.  

Binabalikan nito ayon sa Vatican ang kasaysayan ng “Mater Ecclesia” Theology sa tradisyon ng Simbahang-Katolika at ng Church Fathers sa mga mga akda at turo ng mga batikang iskolar ng tulad nina Saint Agustine at Pope Saint Leo the Great ukol sa kahalagahan at papel ng Mahal na Birhen hindi lamang sa buhay ng Iglesia kundi sa buhay mismo ni HesuKristo: 

“In fact, St Augustine says that Mary is the mother of the members of Christ, because with charity she cooperated in the rebirth of the faithful into the Church, while St. Leo the Great says that the birth of the Head is also the birth of the body, thus indicating that Mary is at once Mother of Christ, the Son of God, and mother of the members of his Mystical Body, which is the Church.”

In the first place, paano nga ba naging “Mother of the Church” si Maria? Sagot ng Simbahang Katolika, mauunawaan lang ang natatanging titulo at maa-appreciate ang utos ng Santo Papa sa Universal Church na pagdadagdag sa kalendaryo ng nasabing ‘Feast’ sa pamamagitan ng masusing pagninilay sa “Divine Motherhood” ni Mama Mary at pakikilahok daw nito sa gawaing pagliligtas sa sangkatauhan ni HesuKristo.  

Sa huli, narito ang paliwanag ni Lolo Kiko at ng Congregation for Divine Worship: Naging “Mater Ecclessiæ” ang Mahal na Birhen sa paanan ng Krus (Cfr. Jn. 19:25) nang tanggapin niyang lubusan ang ‘testamento ng pag-ibig’ ni HesuKristo sa Kalbaryo at akapin ang lahat ng tao, sa katauhan ng minamahal na disipulo, bilang kanya ring mga anak, ayon sa utos at huling habilin ni Hesus.  

Sa ganang atin, mas palalalimin pa ng bagong takdang selebrasyon ang ating “Sense of Being Church” sa patnubay at pangangalaga ni Maria. Magkaroon nawa ng mas malalim at tunay na pagpapahalaga sa Simbahan bilang ating Ina sa pagdiriwang ng nasabing Pista. At maghunos-dili nawa tayo magbitiw sa pamamagitan nito ng mga ‘di angkop at masasakit na salita laban sa Iglesia at  sa Mahal na Birhen, sapagkat TAYO ang Simbahan.

Mga artikulo ng relihiyon

Ang mga artikulo ng Father Richard Bolaton

SHARE
Previous articleThe Good Son (Marso 12) : Huli na, nakawala pa
Next article25 Nakaka-Kilig na Words of Encouragement ng Mag-asawa sa Isa’t Isa
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here