Mapagpalang Hiwaga : Walang Imposible kay God

1
945
Fr. Richard R. Bolaton, STL

Fr. Richard R. Bolaton, STL

Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department.
He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain.
He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.
Fr. Richard R. Bolaton, STL

HINDING hindi natin makakalimutan ang turo sa atin ng isa sa paboritong propesor sa U.P. Diliman noong tayo ay estudyante pa ng Pilosopiya: “God does not shower his grace on fools!” ika ni Prof. Epistola. Isinigaw niya ito sa klase noong araw na naghahabol kami sa deadline ng aming term paper sa asignaturang ‘Epistemology’ upang bigyang diin ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” 

Naalala ko ang aking yumaong guro habang pinagninilayan ang Ebanghelyo sa araw na ito (John 6:1-15) kung saan hinihikayat ang mga alagad ni HesuKristo na ibigay ang pinakamagaling at lahat ng makakaya sa anumang sitwasyon at hayaan ang langit magpuno ng kulang. Turo ng Simbahan, minsan kasi sinusubukan ng Panginoon ang lalim ng ating pananampalataya sa harap ng mga pagsubok.

Paliwanag ng Iglesia, “sometimes Jesus makes us, too, see that the problems are too great for us, that there is little or nothing we can do about the situation that confronts us. He asks us not to pay much attention to the material resources, because they may only cause us to be pessimistic, and that instead we should place more reliance on the supernatural means.” 

Sa harap ng mistulang “imposible” o animo’y nakalulunod na sitwasyon, hinihikayat tayo ng Poon maging ‘realistic’ at makatotohanan, ibig sabihin, lubos na umasa sa Kanyang kakayahan. Kumbinsido na “walang imposible sa Diyos,” nais ng Panginoon na iwasan nating isipin na kaya natin masolusyunan ang anumang problema nang wala Siya; o kaya naman hayaan nalang ang langit gumalaw nang walang anumang kooperasyon sa parte natin. 

Sa Ebanghelyo, ginamit ni HesuKristo kung ano ang mayroon ang mga alagad: ilang piraso ng tinapay at isda. Hindi niya ninais isagawa ang milagro nang walang partisipasyon ang kanyang mga disipulo, kahit kaunti lang. Paliwanag ng Simbahan, “That is how Our Lord acts in our lives: He does not wish us to remain without doing anything if the instruments which we have at our disposal are insufficient or even scarce.” 

Mahalaga sa Diyos ang maipamalas natin ang ating pananampalataya, kahit sa maliit na paraan- “sine qua non” requirement kay HesuKristo ang pananampalataya at pagtalima nang may buong tiwala upang matunghayan natin ang Kanyang kapangyarihan. Sabi ni San Agustin, “Do not wait until we have all the human means, don’t wait till all the difficulties disappear. On the supernatural plane there is always fruit: Our Lord sees to that; He blesses our efforts and multiplies.” 

Dagdag pa ng Simbahan, maging sa mga sitwasyon na kulang na kulang ang kontribusyon ng tao, maari pa ring gumawa ang Panginoon ng kahanga-hangang bagay! Matuto raw tayo sa malalim na pananamapalataya at eksperiyensiya ng mga Santo na pinagmilgruhan ng langit dahil sa kanilang kawalan ng takot sa mga nakapanglulumos na sitwasyon. Sapagkat ang ating seguridad ay nasa katotohang hindi kailanman tayo iiwan ng Diyos.

Si Deus pro nobis, quis contra nos – “If God is for us who can be against us?” (Rom:8:31) giit ng Iglesia na naniniwala na ang malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos  ay tanda ng dakilang pagpapakumbaba. Kaya wala daw tayong anumang ikatakot o ikabahala sa harap ng matitinding pagsubok. Kugnay nito saad ni San Ignacio, “Pray as if everything depends on you, work as if everything depends on God.”

Inaasahan ng Diyos na gagawin natin ang lahat ng makakaya, na ipapamalas ang ating P.O.P (Peak of Performance) sa anumang gawain habang buong pananalig na umaasa sa basbas ng langit; at lalago o pagpapalain ang lahat sa ating buhay. Ergo, ang prutas ng ating “Gawaing Apostoliko” ay bunga ng pinagsamang ‘human’ and ‘supernatural’ means. ‘Wag sana nating kalimutan na nananatili tayong tapat lamang Niyang mga instrumento sa pagsasagawa ng mga bagay na higit sa ating kakayahan.

Narito sa wakas ang hirit ni Fr. Francis Fernandez, “To God be all the glory! The Lord will bless us, especially when He sees our faith, our confidence in him and our interest and effort in trying to have all the necessary means available. God, if He wanted to, could do without these means, but He counts, nevertheless, on our will to put them at his service.” 

More Religion

Mapagpalang Hiwaga

150 Days for Jesus

SHARE
Previous articlePalmistry 117: Tiwala sa sarili ang kailangan
Next articleOWWA Rebate, sisikaping ipatupad sa Mayo 2018
Rev. Fr. Richard Bolaton, STL graduated and taught at the University of the Philippines, Diliman- Phiosophy Department. He took up and finished his Theological Studies and Masters in Sacred Theology, Magna Cum Laude at the Universidad de Navarra, Spain. He is the founder of the Society of Saint Celestine V Congregation. Author and columnist, he writes for BULGAR Newspaper, ABANTE, Abante TONITE and now PHILIPPINEONE.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here