Maling Paniniwala sa Pag-ibig

0
95

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kapag ang isang tao ay umiibig o nagmamahal, may mga nagagawa siyang mga bagay na hindi niya nagagawa dati. May pagkakataon din na siya ay nagsasakripisyo. O kaya naman ay may mga bagay siyang nakakayang i-give up alang-alang sa tao na kanyang minamahal. Ang lahat ng ito ay dahil sa paniniwala sa pag-ibig. Subalit meron ding maling paniniwala tungkol sa pag-ibig ang hindi natin nabibigyan ng pansin. 

UNA ay ang maging sunud-sunuran dito. Kapag mahal mo ang isang tao, lahat ng kanyang nais ay gusto mong maibigay. Kulang na nga lang ay ibigay mo sa kanya ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Wala namang masama kung kaya mo rin lang ay bakit hindi diba? Hangga’t kaya mong ibigay ang lahat maging ang kanyang kapritso. Hindi mo nga lang namamalayan na pinalalaki mo na ang kanyang ulo at ginagawa mo siyang tamad at palaasa. Dapat mo ring isipin na kailangan mo ring maging balanse sa pagbibigay sa kanya ng mga pangangailangan niya. Hindi lang sa materyal na bagay kundi sa damdamin. Huwag kang maging sunud-sunuran sa lahat ng kanyang sinasabi alang-alang sa pag-ibig dahil kapag ganito ang nangyari ay para mo na rin siyang kinukunsinti at sa lahat ng oras ay iisipin niya na siya ang tama at ang lahat ng kanyang ginagawa dahil sinasang-ayunan mo ito.

PANGALAWA, marami ang naniniwala na ang pag-ibig sa isang espesyal na tao ang kumukumpleto sa ating pagkatao. Ang totoo ay hindi naman talaga tayo kulang. Kahit ikaw ay single kumpleto ka. Kailangan mo lang mahanap ang kasiyahan sa sarili mo. Yung mga tao na nakakaramdam ng kakulangan dahil wala silang pag-ibig, sila yung mga tao na kulang ang kumpiyansa sa sarili . Sila yung mga tao na hindi kayang tumayo sa sariling paa kaya naghahanap ng masasandalan, magiging inspirasyon at magpupuno sa kanilang kakulangan. Kahit ang totoo ay kaya nating makumpleto sa sarili lang nating paraan. Kung may dumating man na nakatakda nating maging kabiyak ay maaaring may misyon siyang gagampanan sa ating buhay, hindi para kumpletuhin ang ating pagkatao kundi para magbigay ng kalungkutan man, kasiyahan o leksyon. fffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here