MALIKMATA

0
505

Ano nga ba yung tinatawag na malikmata? Ito yung sa isang pagkurap ng iyong mga mata ay may makikita kang imahe na kung titingnan mo ulit ay wala na ito. Parang dinadaya ka ng iyong paningin. Lahat ba ng tao ay maaaring mamalikmata? Oo. Posible ito. Dahil lahat ng tao ay psychic. Subalit ilan lamang ang napauukulan ito ng pansin. Sa dami ng tao sa mundo, maraming mas mahalagang bagay kaysa sa kanilang abilidad bilang psychic ang pinagkakaabalahan ng mga tao kabilang na rito ang kanilang trabaho, pag-ibig, sports at napakarami pang bagay. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung hindi lahat ng tao ay nailalabas ang kanilang pagiging psychic.

Subalit sa mga tao na interesado sa kanilang kakayahan ay pinag-aaralan ito. Nag-oobserba at tinutuklas pa ang maraming bagay tungkol dito. Kapag bukas na ang third eye ng isang tao, mas malimit siyang makaranas ng pamamalikmata kaysa karaniwan. Ang isang pangkaraniwang tao ay maaaring mamalikmata at makakita ng kakaibang bagay subalit hindi niya ito bibigyan ng pansin habang ang isa na bukas ang third eye ay hindi pinapatahimik ng bagay na ito. Aalamin at aalamin niya ang mensahe na nais iparating ng kakatwang bagay o imahe na nakita niya sa isang kisapmata.

Sinasabing ang malikmata ay gawa ng dyablo. Pinaglalaruan lamang ang mata at kaisipan ng isang tao. May paliwanag din ang science tungkol dito at ang sinasabing dahilan ay isang karamdaman. Subalit sa mga naniniwala sa misteryosong hatid ng malikmata, hindi sila mapipigilan na tuklasin pa ang mas malalim na kahulugan nito. Sa isang malikmata ay maaari kang makakita ng kaluluwa, mga espiritu o kakaibang nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. Maaari ka ring makakita ng hayop, isang bagay na wala naman talaga sa lugar na iyon, o isang pangyayari na maaaring naganap na o magaganap pa lang sa hinaharap.

Sinasabi rin na kung ikaw ay madalas mamalikmata na parang sinusundan nito ang bawat araw mo, humanda ka na sa posible mong kaharapin. Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa’yo, ang makatulong ka o ikaw mismo ang mangailangan ng tulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here