Maligamgam na tubig, Mainam sa Umaga

0
503

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Tayong mga Pilipino ay sanay na sanay na sa kape tuwing umaga. Hindi kumpleto ang umaga ng karamihan sa atin kung walang pandesal na may katernong kape. Ang iba naman ay gatas, tsokolate o tsaa. Hindi ko alam kung hindi nyo pa alam ito o alam nyo na pero hindi nyo lang bet ang maligamgam na tubig sa umaga.

Hindi maikakaila kung gaano kahalaga ang tubig sa buhay ng tao. Higit pa sa mga pinaggagamitan nito tulad ng pagligo, paglalaba, paglilinis ng bahay at mga gamit, pandilig sa mga halaman at marami pang iba, ang pinakaimportanteng gamit ng tubig ay para sa ating kalusugan. Kailangan natin ng balanseng Ā tubig sa ating katawan.

Ang mga unang oras pa lang natin mula paggising sa umaga ay maituturing na nating ginto. Kaya naman kung gaano kahalaga ang oras na ito ay dapat lang na kasinghalaga rin nito ang unang ipapasok natin sa ating katawan at ito ay ang maligamgam na tubig o yung init ng tubig na kaya na nating inumin. Pero paano nga ba ito gagawin? Kailangan makainom ka ng 2 baso o kung hindi mo naman kaya dahil hindi ka pa sanay, unti-untiin muna ang pag-inom nito. Matapos uminom ng tubig ay saka ka magsipilyo. Hintaying lumipas ang 45 minutes bago ka mag-almusal. Ang mga matatanda ay maari itong simulan sa isang baso lamang at dagdagan na lang kung kaya na.

Ano naman ang benepisyo ng pag-inom ng maligamgam na tubig tuwing umaga? Ayon sa mga Japanese doctors, ang pag-inom ng mainit o maligamgam na tubig ay nakalulutas ng suliranin sa mataas at mababang presyon ng dugo, sakit ng ulo, ubo, mga problema sa tiyan, pagbara ng ugat, sakit ng mga joints, diyabetes, kawalan ng gana sa pakikipagtalikĀ  at marami pang iba.

Sa pangkalahatan, napakalaki ng ginagampanan ng tubig sa ating katawan kaya naman mas mainam kung susubukan natin itong gawin kung gusto nating makuha ang mga benepisyo mula rito.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here