Male Metal Rat, Taon Ng Pangangaliwa

Year of the male metal rat. Sinasabing ang taon na ito ng mga daga ay taon ng pangangaliwa. Kaya naman marahil ang mga taong faithful ngayon sa kanilang relasyon ay malamang kinakabahan na. Ayon sa chinese zodiac, ang unang araw ng chinese astrological year ay ang unang araw ng tiger month. Ang tiger month ay nagsisimula sa ika-4 ng Pebrero. Ayon pa sa chinese horoscope, ang male metal ay konektado sa bakal, mga kagamitang panlaban at malakas na hangin. Ang metal rat ay parang isang barko sa gitna ng malakas na alon na sumasalungat sa hindi magandang panahon. Sa makatuwid, ang metal rat ay nagbabadya ng isang hindi magandang senyales. At ito ay may malaking kinalaman sa mga relasyon na nagbabadya ring humarap sa unos.

Kaya kung ikaw ay nasa relasyon na alanganin ang sitwasyon, halimbawa, kayo ay nanlalamig na sa isa’t-isa, kayo ang mas higit na magiging apektado sa taon ng year of the rat. Gayundin ang mga tao na nawawalan ng panahon sa kanilang kabiyak dahil sa labis na kaabalahan sa trabaho. Maging ang mga tao na walang sapat na tiwala sa kanilang karelasyon. Ang mga tao na nakakaramdam ng pagkasawa sa kasalukuyang lovelife. Mga tao na puno ng pagdududa at mga tao na hindi seryoso sa kanilang nararamdaman. Sila ang mga tao na higit na maaapektuhan at makakaranas ng pait sa taon ng male metal rat. Makakasama sila sa labanan ng mga pusong sawi at pusong hindi padadaig. Dahil dito, kaliwa’t kanan ang magaganap na pagtatraydor sa pag-ibig. Kabilaan ang mga pagtataksil. Maraming puso ang luluha at makakaranas ng kapighatian. Babae man o lalaki ay maaaring humarap sa mga pagsubok na siya ring haharapin ng metal rat.

Pero anuman ang sinasabing nakapaloob sa taon na ito ng mga daga, dapat tayong maging maingat at matatag sa kahit na anong mabigat na sitwasyon na posible nating pagdaanan. Pangibabawin natin lagi ang pagmamahal sa ating mga puso at laging isaalang-alang ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here