Malakas At Mahinang Alon Sa Iyong Panaginip

Nakakatakot ang managinip ng alon lalo na kung hindi ka naman marunong lumangoy. At paano pa kung malakas na ito? Siguradong kahit panaginip lang ito ay abot-abot ang kaba na mararamdaman mo tulad sa kung paano mo ito mararamdaman kapag nangyari ito sa tunay na buhay. Pero bakit nga ba natin ito napapanaginipan? Ano ang panganib na dulot nito sa ating buhay?

MALAKAS NA ALON

Kapag ang alon ay ubod ng lakas at tipong papalapit na ito nang papalapit sa’yo, tapos biglang nawala, ito ay nangangahulugan na may tao na magtatangkang dulutan ka ng malaking problema. Pero sa kabutihang palad ay hindi siya magtatagumpay at ang kanyang masamang balakin ay maglalaho na parang bula. Kung sinalpok ka naman ng malakas na alon pero hindi ka natinag sa iyong kinalalagyan o kinatatayuan, ang ibig sabihin ay may kakayahan kang labanan at harapin ang malaking suliranin na darating. Pero kung sa paghampas ng malakas na alon ikaw ay nadala at natangay nito, ibig sabihin, sa problemang kakaharapin ikaw ay mangangailangan ng tulong ng iba.

MAHINANG ALON

Kung mahinang alon naman ang iyong napanaginipan, ito ay sumisimbolo lamang sa maliliit na problema. Malilit subalit pwedeng marami. Iba’t-ibang aspeto. Pero kahit na ito ay  mga simpleng problema lang, hindi rin ito dapat balewalain. Dahil kung ito ay hindi mabibigyan ng pansin ay maaari ring mauwi sa hindi magandang senaryo ng iyong buhay.

Kapag ang mahinang alon ay biglang lumakas, ito ay nangangahulugan na may maliit na problema kang mapapabayaan kaya ito ay lalaki. Pwede rin naman na ito ay mangahulugan ng isang magandang pagkakataon na iyong mapapalampas. At dahil sa mapapakawalan mo ang oportunidad na ito, ang kalmadong alon na magiging malakas ay simbolo kung gaano kalaki ang pagsisisi na mararamdaman mo. Para itong sampal ng katotohanan sa’yo kaya hindi mo ito dapat balewalain.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here