Mahina ba ang ebidensiya laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno?

0
231
Mahina ba ang ebidensiya laban kay Sereno?
Danilo C. Ambrocio

Danilo C. Ambrocio

DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibongpublisher, editor, columnist at writersa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher.Nagtapos ngHuman Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.
Danilo C. Ambrocio

Latest posts by Danilo C. Ambrocio (see all)

HINDI maisasalang sa plenary ng Kamara ng mga Representante ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Pwede naman siguro kung talagang gugustuhin kaso kung ayaw, sorry na lang.

Hindi na ito matatalakay sa plenary bago magbakasyon ang mga kongresista bago mag-Semana Santa. Okay lang iyon, time to relax na kasi.  

Ibig sabihin, sa Abril pa uli mapagbobotohan at maiaakyat sa Senado ang impeachment complaint para dinggin ng Impeachment Court. Mabilis naman daw ang araw kaya huwag mainip. Basta darating din ang tamang panahon. Maghintay-hintay lang.

Mahina ba ang ebidensiya laban kay Sereno?May postura ang Kamara na ibalam ang proseso taliwas sa mga nagdaang impeachment proceedings laban kay dating Pangulong Erap at lban kay dating CJ Renato Corona.

Bakit ibinabalam ng mga kongresista ang proseso? Ayokong ako ang sumagot, ikaw na lang.

 

Sa kalakaran, kapag matibay ang ebidensiya, ay agad na ipinuproseso ang impeachment complaint upang makarating agad sa Senado, pero sa kaso ni Sereno—aktuwal itong ibinalam.

Nangangahulugan ba ito na mas mahina ang ebidensiya laban kay Sereno kumpara sa reklamo kina Erap at Corona? Malamang mas mahusay ang imbestigagador dati kaysa ngayon.

Hind lang ‘yan, imbes na idiretso sa Senado ang impeachment complaint, dumiskarte pa ang solicitor general na ireklamo pa si Sereno mismo sa Korte Suprema kaugnay sa pagkakatalaga dito. Sa eskuwela at opisina nga may favoritism, eh. Ganu’n talaga. Huwag ka na magtaka.

Sumasalimuot ang isyu kung saan mahihirapan ang ordinaryong mamamayan na maunawaan ito. Hindi naman kasi dapat laging maunawaan na lang, tanggapin na lang ang kalakaran ng mundo ngayon para hindi na ma-disappoint.

Sino ang nanggugulo at sino ang bumabalam? Ikaw, kaya mo bang hulaan? Ako, alam ko ang sagot pero hindi ko sasabihin.

Ang kampo ba ni Sereno o ang kampo ng kanyang mga kritiko? Kaliwa o kanan, tama o mali, maganda o pangit. Iisa lang ang tamang sagot kaya isip-isip.

Ang sitwasyong ito ay nagpapalakas ng loob sa mga abogado ni Sereno kung saan ay maaaring magkatotoo ang kanilang hinala—na may malaking tsansa na maabsuelto si Sereno.

Isang malaking hamon naman ito sa Malacanang kung paano iimpluwensiyahan ang senator-jury na siyang hahatol sa impeachment trial.

Iimbento rin ba ang Malacanang ng sarili nilang “DAP at pork barrel” para masuhulan ang mga corrupt na senador tulad sa panahon ni Corona.

Mabigat yan at isang maselang tanong. Kaya, ang masasabi ko na lang ay abangan natin ang susunod na kabanata.Anong mangyayari sa impeachment ni Sereno?

SHARE
Previous articleASTROLOGY PAHULA 27 : Mga paraan para mapaganda ang buhay
Next articleKAHALAGAHAN NI EBA
DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibong publisher, editor, columnist at writer sa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher. Nagtapos ng Human Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here