Mahalin Mo ang Taong Di ka Iniiwan Kahit Masama ang Ugali mo

Kung minsan ay madali tayong bumitaw kapag may nakita tayong kapintasan sa ating partner pero sa huli naman kapag iniwan na tayo ay ibig nating maghabol. Kaya nga bago kamag-isip ng pakikipaghiwalay, mas maiging humugot ka muna nang malalim na buntunghininga tapos ay pakaisipin mo ang sitwasyon.

May gga pagkakataon sa ating buhay na gusto nating makahanap ng taong iintindi sa atin. Kaya nga galit na galit tayo sa ating partner kapag hindi niya naiintindihan kung anong klaseng pag-uugali mayroon ka. So, anong gagawin mo kapag ganoon, makikipaghiwalay ka na? Naku, bago ka maghamon ng hiwalayan, mag-isip ka munang mabuti.

Hindi porke may mga panahon na hindi ka niya naiintindihan dahil sa masama mong pag-uugali ay pipiliin mo na lang na tapusin ang inyong relasyon. Madaling makahanap ng taong iintindihin ang ugali mo pero hindi lahat ay gugustuhing manatili sa piling mo kahit na masama ang ugali mo. Kung ganoon ang iyong partner, isa lang ang ibig sabihin niyan, sobra ka niyang mahal kaya hindi ka niya maiwan.

O, hindi ba, mas nakakakilig ang ganoon? Kaya, magpakahinahon ka rin. Bago mo awayin ang partner mo. Tandaan mo kapag may taong nagtiyaga sa masama mong pag-uugali, ibig sabihin mahal na mahal ka niyan kaya huwag mo na siyang pawawalan pa dahil darating ang araw na magsisisi ka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here