Maging Maingat sa Ataul para di Malasin

Kung ang isang tao ay inirerespeto mo nu’ng siya ay nabubuhay, dapat mo rin siyang irespeto kahit wala na siyang buhay. O kung hindi mo na siya inirerespeto noong nabubuhay pa siya, walang dahilan para hanggang sa kanyang kamatayan ay piliin mong huwag siyang igalang dahil baka mamaya ay ikaw din ang malasin.

Kung inaakala mong hindi ka na magagantihan ng kinaiinisan mong tao kapag nakahimlay na siya sa ataul, nagkakamali ka. May kakayahan pa rin siyang gantihan ka kung pipiliin mong bastusin ang kanyang kinahihimlayan. Kapag kinatok mo ang kanyang ataul o di kaya naman ay ibinangga mo ito.

Alam mo ang maaaring mangyari? Pwede ka niyang bigyan ng kamalasan dahil nga sa binastos ka niya. Sa paanong paraan? Aba’y hindi ka niya patatahimikin. Lagi ka niyang gagambalain bilang ganti sa pambabastos na ginawa mo sa kanyang kinahihimlayan. At iyon ang magiging simula ng kamalasan sa’yong buhay dahil tiyak na lagi kang mababalisa habang hinihintay ang muli niyang pagpaparamdam.

O, gugustuhin mo bang mangyari iyon? Tiyak kong hindi ang iyong isasagot kaya ang maipapayo ko sayo ay maging maingat ka sa pagtrato sa bawat nilang, may buhay man ito o wala dahil lahat sila ay may kakayahang gumanti.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here