Magbalik Tanaw Sa Las Casas Filipinas De Acuzar – Review

1696

Matagal ko nang gustong magpunta dito sa lugar na ito. Unang kita ko pa lang nito sa Facebook post ng isa kong kaibigan ay nabighani na ako sa ganda ng lugar. Mahilig ako sa history at sobrang gustong-gusto kong nakakakita ng mga lumang bahay.

Ang Las Casas Filipinas De Acuzar ay isa sa mga dapat mong puntahan kung interisado ka sa history ng mga bahay sa Pilipinas at ng mismong bansa. Sama sama dito ang iba’t ibang bahay mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Wala pang mga bahay na galling sa Visayas at Mindanao pero marami pa silang mga ginagawang bahay kaya baka magkaroon.

May lagpas 50 bahay doon pero kalahati lamang ang pwedeng puntahan. Karamihan sa bahay ay mga hotel na pinapaupahan nila. Nakapasok kami ng kapatid ko sa ibang mga bahay at kada bahay ay may ibang kwento. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang hilig ko talaga ang mga kwento tungkol sa mga lumang bahay. Kung sino ang dating mga nakatira dito at kung paano sila mamuhay noong sinaunang panahon.

Hindi lahat ng tungkol sa bahay ay masasabi ng tour guide. Nakakamangha lamang kung paano nadala at binuo muli ang mga lumang bahay dito sa Las Casas Filipinas De Acuzar. Sobrang gaganda ng mga bahay dito. Malalaki at kitang kita mo na luma na talaga ito pero naalagaan.

Meron din silang iba’t ibang cultural shows na itinatanghal araw-araw. Noong kami ay sumama na sa tour, meron pinapanuod sa amin na isang palabas. Nagtanghal ang mga staff na patungkol sa mga gawa ni Jose Rizal. Para sa akin, meron pang maiimprove yoon. Pwedeng hindi sila magfocus masyado kay Rizal at magkwento din ng buhay o impluwensya ng iba pang mga bayani ng Pilipinas.

Sa sobrang laki ng lugar. Pwede kang mag-jeep kung gusto mo. Maaari lang din naman lakarin ang lugar kung masipag ka maglakad. Sinwerte ako na maka-book ng hotel na may discount. Iyon ay ang kanilang anniversary promo. 50% ang mga kwarto at sobrang laki ng binwas sa presyo. Sobrang laki ng kwarto na napuntahan naming. Napakaganda ng hotel room at malaki ang c.r. (meron pang bathtub). Tahimik din sa lugar kaya super relaxing.

Meron silang swimming pool at meron ding beach. Ngunit bawal magswimming noong nagpunta kami dahil sobrang lakas ng alon. Kahit hindi white sand yung beach ay napakaganda nito.

Mejo mahal nga lang ito pero meron din naman day tour lang kung gusto mo lang talaga makita ang lugar. Mahal din ang mga pagkain sa mga restaurants nila kaya dapat magdala ng malaking budget kung gusto mong kumain dito.

Madali lang magcommute papunta dito. Madali lang din umuwi dahil meron nang mga tricycle na nakaabang sa entrance ng resort. Yung mga guard pa mismo ang tatawag sa mga ito. Maganda talaga ang lugar. Sa katunayan ay may balak pa kami ng kapatid ko na bumalik kasama na ang aming buong pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here