Magastos Ang Maging Kpop Fan

0
138

Hindi lang plane ticket papuntang Korea ang gusto ng mga Kpop fans. Meron pa kaming iniisip na mga concert tickets at ang iba-iba pang fan merchandises tulad ng lightstick, albums, photo card, season greetings, photobooks, magazines, at live DVDs.

Pero, hindi lang ang mga ‘yon, marami pang binibili ang mga fans para maipakita ang kanilang suporta sa kanilang mga paboritong Kpop groups. Tuwing may mga convention, meron pang mga posters, banners, ID lace, wristband at kung anu-ano pang mga binebenta sa mga fans.

Mas madali na ngayon maging kpop fan dahil mas marami na ang mga nagpupuntang mga idol groups dito. Mas madali na rin bumili ng mga merchandise dahil sandamakmak na ang mga nagbebenta nito.

Pero, ang mahirap ay kung wala kang pera. Marami ang mga kpop fans na estudyante pa lamang at hindi pa kumikita ng sarili nilang pera. Pero sobrang gusto manood ng concerts at bumili ng mga merchandise para sa kanilang idols.

Ano nga ba ang pwede nilang gawin para suportahan ang mga faves at bias nila?

Ngayon,sa sobrang hit ng social media, pwedeng suportahan ng isang fan ang kanyang idol sa pamamagitan ng panonood ng mga music videos nila sa Youtube. Pwede rin nilang pakinggan sa Spotify, Itunes at iba pang mga online stream sites ang mga kanta nito kung hindi nila kaya bumili ng physical album.

At higit sa lahat, pwede nila I-share sa sarili nilang mga social media accounts ang music at iba pang activities nito para lalong makilala ang kanilang mga paborito. Isang sikat na grupo ngayon ay nakamit ang kanilang tagumpay sa tulong ng kanilang mga fans. Kilala ang BTS na may pinakamalaking social media following na Kpop group.

Ang mga fans nila ang nagsikap na i-promote sila sa ibang tao at manghikayat ng ibang tao upang maging fan.

Kaya, huwag kang mapanghihinayang. Okay lang maging Kpop fan kahit #hampaslupa ka lang. J

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here