Magandang Dulot Ng Pag-iyak

0
112

May mga tao na takot umiyak,lalo na ang mga lalaki. Para sa kanila, nababawasan ang kanilang pagkalalaki kapag sila ay umiiyak. Hindi nila alintana kung ano ang maaari nilang makuha mula sa pag-iyak basta may mga tao na ang tingin sa mga lalaking umiiyak ay hindi tunay na lalaki. Gayunpaman mapa babae man o lalaki ay parehong nagbebenepisyo mula rito.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa magagandang dulot ng pag-iyak, anupaman ang dahilan nito.

1.Ang pag-iyak ay nakakapag-alis ng dumi o toxins sa ating katawan. Once na magsimula na tayong umiyak at tumulo ang ating mga luha mula sa mata, kasamang umaagos sa ating pisngi ang napakaraming stress hormones at chemicals na taglay ng ating luha.

2.Sinasabing ang pag-iyak ay nakakatulong din upang tayo ay makatulog. Halimbawa, ikaw ay stress na sa kakaisip kung paano mo masosolusyunan ang iyong problema, dahil dito kung kaya’t hindi ka makatulog. Sa halip na mag-isip nang mag-isip ay subukan mong idaan sa pag-iyak nang sa gayon ay makaramdam ka ng antok at baka mapahimbing pa ang iyong tulog.

3.Nakakatulong din ang luha natin para labanan ang ibang bacteria. Dahil sa taglay nitong fluid na tinatawag na lysozyme, ang ating mata ay nagagawang linisin ng mga luha natin. Ayon sa pag-aaral, ang lysozyme ay may antimicrobial properties na siyang nakakatulong naman para mabawasan ang panganib na dala ng anthrax.

4.Ang basal tears na inirerelease ng ating mata ay nakakatulong naman para maimprove ang ating paningin.Pinapanatili nitong mamasa masa ang mata natin para hindi matuyot ang mucous membranes. Kapag kasi natuyot ito, ang epekto ay lalabo ang ating paningin.

5.Ang pag-iyak ay nakakatulong din upang gumanda ang ating moods. Kung napapansin mo, sa tuwing napakabigat ng kalooban mo dahil sa isang tao o pangyayari, matapos mo itong maiiyak ay tila nababawasan ang bigat sa dibdib mo at kahit papa’no ay gumagaan na ang iyong pakiramdam. Kaya naman ang luha ay tinatawag ding feel good chemicals.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here