Magandang Balita ang Hatid ng Puting Aso

Kung sa tingin mo ang isang puting aso ay ordinaryo lang, nagkakamali ka, lalo na kung siya ay kasama mo sa’yong panaginip. Ayon kasi sa aking pagsasaliksik, kapag ang aso ay iyong napanaginipan, ay nangangahulugan na iginigiya ka niya sa tamang landas. Tulad nga ng sinasabi ng marami, ang aso ay itinuturing na man’s bestfriend.

At ang tunay na kaibigan ay hindi ka magagawang ipahamak. Sa halip ay puprotektahan ka pa niya sa abot ng kanyang makakaya kapag ikaw ay nalagay sa panganib. Kaya, naman ibig sabihin nito ay itinuturo niya sa’yo ang tamang daan.  Ibig sabihin, sinasabi ng aso na iyon na tama lamang ang ginagawa mo sa buhay.

Ano nga ba ang iyong ginagawa? Nagsisikap ka na ba talaga ng todo-todo.Kung ganoon, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Nasa tamang landas ka. Iyon ang sinasabi ng puting aso sa’yong panaginip. Kaya, huwag kang susuko kung pakiramdam mo ay nahihirapan ka na. Pagsubok lang ‘yan at sa huli ay magiging maligaya ka rin.

O, hindi ba ganoon ang gusto mo? Kaya, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Huwag mo munang masyadong intindihin  ang hirap. Ang mahalaga ay magawa mo ang layunin mo at iyon ay ang magtagumpay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here