MAG-ALAGA KA NG HALAMANG ITO SA INYONG BAHAY AT PARA KANG NAGKAROON NG LUCKY CHARM

437


Ang halamang aglaonema o Chinese evergreen ay isa sa masuwerteng halaman sa feng shui. Ito ay itinuturing na feng shui charm. Ang mga mapupulang dahon nito ay simbolo ng suwerte, katiwasayan, kaligayahan, at kasaganahan para sa mga nakatira sa tahanan.

Ang halamang ito ay hindi lang nagra-radiate ng positive energy, may kakayahan rin itong magtanggal ng stress at makapagpakalma ng kaisipan ng nag-aalaga.

May ilang prinsipyo na sinusunod sa pag-aalaga ng aglaonema upang ma-maximize ang suwerte ang hatid nito. Huwag itong itatanim sa pakuwadradong paso upang hindi ma-block ang Chi (energy) ng mga dahon. Mainam rin itong ilagay sa makukulay na paso upang ma-activate ang Yang energy. Maaari itong ilagay sa living room, ngunit huwag sa silid-tulugan. Inirerekomenda rin na ilagay ang mga paso ng aglaonema sa lamesa o elevated na lugar at huwag nakasayad sa lupa upang ma-maximize ang positive energy na hatid ng halamang ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here