Maestro Honorio Ong Daily Horoscope, Setyembre 16, 2019

0
642
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 16, 2019,  Lunes  – Ibinabalita ng araw na ito na isinilang ka para magnegosyo, para mag-alok, para magsalita, para gamitin ang iyong talino at kakayahan, upang sa bandang huli ay makita at malalaman mo rin ang panukala sa iyo ng tadhana, na ang dulong dahilan pala nito ay isinilang ka para yumaman. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Muling iiral sa iyo ang pagsalungat sa nakatataas. Makikita mong hindi siya payag pero ang totoo ay mauunawaan niya ang paninindigan mo, kaya lang pilit niya iyong itatago. Ngunit sa bandang huli ang kagustuhan mo pa rin at ang panukala mo ang siyang matutupad at mananaig. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Masarap na buhay ang pangako sa ‘yo ng araw na ito. Pero may kundisyon, sundin mo ang panukala at ang mga kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay lalo na ang iyong kapareha. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay susundin at hahanggaan ng iyong mga kausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Hindi dapat na ang iyong mga kilos ay nakatali sa mga pananaw at opinyon ng ibang mga tao. Hindi ka mahina, malakas ka at malaya, kaya dapat masunod mo ang iyong mga gusto at sa pagsunod mo sa iyong mga gusto magsisimula ng magdatingan sa ‘yo ang mga suwuwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bawal sa iyo ngayon ang magalit dahil ang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga  sandaling ikaw ay naging mahinahon at sa mga sandaling payapa ang iyong kaloooban.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na matagal ng itinala ng langit ang magaganap, mga biglaang dating ng malalaking mga suwerte na halos hindi mo mapaniwalaan kung paano nangyari ang magaganap sa iyo. Subalit dapat na maniwala ka, sapagkat ang mga araw at petsa sa araw na ito hanggang sa buwan ng Okrubre ay talagang suwerteng panahon mo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Huwag kang makigulo sa gulo ng iba. Kahit maging tagapamagitan ay hindi rin puwede at hindi pa rin dapat, dahil ang mga magagandang kapalaran na nasa tabi mo ay sasaiyo kung tahimik lamang ang iyong buhay at hindi makikisawsaw sa problema ng iba. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Iba’t-ibang klase ng nilalang ang makakasama mo ngayon. Pero ang kakaibang galing ng iyong personalidad ay mangingibabaw kaya marami ang lihim at lantad na sasaludo sa iyo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na malilito ka dalawang iba ang gustong puntahan mo at magkaibigang lugar na parehong gusto mo rin. Kung sino ang pinakamalapit sa iyo, doon ka muna unang pumunta. Sa lugar na iyon may suwerte at magandang kapalaran kang makukuha. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung hindi ka makikinig sa payo, kikilos ang langit upang dalin ka sa talagang sadlakan mo, isang magandang kapalarang may kaugnyana sa career at maunlad na kabuhayan na tungkol sa pagnenegosyo ang talagang hahantungan mo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Minsan sadyang nakakubli ang mga suwerte sa magulo  na mga pangyayari, pero biglang lilitaw na wala kang magagawa kundi ang ikaw ay mamamangha at hindi rin makapaniniwala sa mga bueanas at magagandang kapalarang maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Wala pala sa materyal na bagay ang ligaya dahil ang mabubuting ugali ang pinagmumulan ng tunay na ligaya. Kaya kung gusto mong lumigaya, piliin mo ang may mabuting ugali. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here