Madalas na Pag-Idlip, Sanhi ng Stroke

Matulog ka! Ito ang laging sinasabi sa akin ni Manang Eta kapag sumapit na ang ala-una, pagkatapos kumain ng lunch. Makakatulong daw kasi iyon para mas lumakas ang aking katawan pero mas gusto ko ang maglaro sa labas noon kaya naman kapag nakatulog na siya ay tatakas ako para gawin ang gusto ko. Ang tumakbo at makipaghabulan sa aking mga kalaro.

Sa paglipas ng panahon, noong kumakayod na ako para mabuhay ay parang hinahanap ng katawan ko ang tulog na ipinagkait ko noon sa aking sarili noong kabataan ko kaya naman kapag mayroong pagkakataon ay talagang pipiliin kong matulog nang matulog lalo na ngayong freelancer na lang ako.

Kaya nga lang, sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang madalas na pag-idlip lalo na kung ikaw ay tumuntong na sa edad 60 pataas  ay hindi na makabubuti sa’yong katawan. Katunayan ay magiging sanhi pa ito ng stroke. Ang dahilan ay maaaring maantala ang pagdaloy ng dugo patungo sa’yong utak at tumaas lang ang cholesterol na nasa iyong ugat. Kaya, maaari itong maging sanhi ng stroke.

Ayon nga sa pag-aaral na isinagawa sa Huazhong University sa Wuhan na matatagpuan sa China, ang mga taong natutulog ng isang oras at kalahati lamang ay may 23 porsiyento na magkaroon ng stroke kaya naman kung madalas niya itong ginagawa ay lalaki ng husto ang tsansa niya na ma-stroke.

Huwag mo namang isipin na porke hindi ka umiidlip sa tanghali ay hindi ka na magkaka-stroke. Maaari pa ring mangyari iyan kung ikaw ay may mahabang tulog. Iyon bang tipong nakakasampung oras ka sa pagtulog. Ang porsiyento kasi noon na maaari kang ma-stroke ay nasa 25 percent. Kaya naman, napakalaki na ng tsansa kung ikaw ay mayroo ng mahabang tulog tapos umiidlip ka pa sa tanghali. Aba, 85 percent na ang katumbas noon.

Alam mo ba kung bakit ganoon na kalaki?

Kung palagi ka kasing natutulog, ibig lang sabihin noon ay hindi ka na nakakaranas na mag-ehersisyo kaya naman parang hindi na nagsi-circulate nang maayos ang iyong dugo.

Ngayon, ang tanong ko sa’yo gaano ka katagal matulog?

SHARE
Previous articleMGA SIGN NA IN LOVE O INTERESADO SA IYO ANG ISANG TAO AYON SA KANIYANG ZODIAC SIGN
Next articlePamahiin Ampon: Makapagbibigay Suwerte

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here