MABUBUKSAN ANG INYONG THIRD EYE SA TULONG NG MGA PAGKAING ITO

760

 Ang pineal gland ay isang maliit na selyula sa utak na sinasabing pinagmumulan ng intuition at iba pang extra-sensory perception (ESP) ng isang tao. Samakatuwid, ang pineal gland ay siyang tinatawag na third eye.

        Ang pagkakaroon ng malakas na pineal gland ay nangangahulugan ng aktibong ESP (third eye). May ilang supplement na makatutulong upang mapalusog ang pineal gland.

1.   Raw Apple Cider Vinegar. May kakayahan itong i-detoxify ang mga heavy metals na siyang nakakapinsala sa ating pineal gland. Nagtataglay rin ang apple cider vinegar ng mga natural na bitamina at mineral na kailangan ng pineal gland.

2.   Iodine. Ang pagkain ng mga algae-related food tulad ng seaweeds o lato sa Tagalog ay isang paraan upang makakuha ng natural iodine supplement na bitamina ng pineal gland.

3.   Cacao. Hitik ang cacao sa antioxidant na mainam sa pineal gland. Pinapalaki ng cacao ang sukat ng ating blood vessels sa pamamagitan ng pag-triger ng mataas na lebel ng nitric oxide.

4.   Yulang-Dilaw. Napatunayan sa mga pag-aaral na nagagawang i-reverse ng turmeric ang damaging effect ng fluoride sa ating pineal gland. Pinababa nito ang toxic effect ng fluoride na siyang pangunahing kalaban ng pineal gland. Ang fluoride ay siyang pangunahing sangkap ng halos karamihan sa mga toothpaste na mabibili sa merkado.

5.   Sampalok. May kakayahan ang sampalok na i-de-fluoridate ang tubig. Samakatuwid, kaya rin ng sampalok na gawin ito sa ating buong katawan, kabilang na siyempre ang pineal gland.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here