Maagang Pamamaalam Ni Kobe Bryant At Anak Na Si Giana

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Sa edad na 41 ni Kobe Bryant at 13 naman ang anak na si Gianna ay magkasama nilang nilisan ang mundong ito kung saan ay nabuhay silang kilala at masagana. Nakakadurog ng puso ang balitang gumulantang sa lahat. Ang mag-ama na patungo sa Mamba Academy kasama ang pitong iba pa ay sakay ng helicopter na nag-crash. Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagbagsak nito. Kasama rin sa nasabing aksidente ang baseball coach na si John Altobelli, ang asawa na si Keri, ang anak na si Alyssa at isa pang baseball coach na si Christina Mauser. Matapos mamataan ng grupo ng mountain bikers ang usok sa pinangyarihan ng aksidente ay agad rumesponde ang mga opisyal ng Los Angeles County Sheriff’s department malapit sa Las Virgenes Rd and Willow Glen St. in Calabasas. Ayon sa mga naninirahan malapit sa lugar ay nakarinig na sila ng tila mababang paglipad ng eroplano o helicopter, hindi nila matiyak dahil wala silang makita sa kapal ng fog hanggang sa makarinig na sila ng maingay na tunog ng engine na sinundan ng malakas na pagsabog.

Si Kobe Bryant ang tumatayong coach ng anak na si Giana at ng kanyang team para sa kanilang laro. Madalas pa nga na magbahagi si Giana ng kanyang mga larawan habang nasa court. Ang mag-ama ay papunta na sana sa Mamba Academy para sa kanilang basketball practice sa gaganapin na Mamba Cup Tournament Series. Subalit nang pumutok nga ang nangyaring aksidente at ang kamatayan ng mag-ama, ang lahat ng laro ay ikinansela. Ang mga kapwa manlalaro ni Bryant sa basketball partikular ang LA Lakers at iba pang celebrities lalo na ang kanyang mga tagahanga ay pawang nabigla at nalungkot sa sinapit ng legendary basketball player. Nagpahatid na ng pakikiramay si Barack Obama sa mga naulila nina Kobe at Giana. Tinawag niyang ‘a legend on the court si Bryant. Sinabi rin niya na ang pagkawala ni Giana ang mas masakit para sa mga magulang na tulad nila. Nagpahayag na rin ng pakikiramay si US President Donal Trump sa kanyang tweet. Si Kobe Bryant ay limang beses naging NBA Champion. Gumawa rin siya ng animated short film na may pamagat na ‘Dear Basketball’ at ito ay nanalo sa Oscar.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ng mag-amang Kobe at Giana at ng iba pang nasawi.

SHARE
Previous articleKahulugan ng mga Panaginip #32
Next articleANG MISTERYO SA ‘ZONE OF SILENCE’ SA MEXICO
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here