Lutong mula sa puso 2: Ginisang Petsay with Egg

Tunghayan ang Lutong mula sa puso 2.

Mahilig ka ba sa gulay? Marami sa ating mga Pilipino ang nagmamahal sa mga gulay. Bukod kasi sa madaling itanim ang mga ito ay napakasustansya pa. Mga gulay na nilalaman sa kantang Bahay Kubo na maaari nating matagpuan sa ating bakuran kung magiging masipag lang tayo sa pagtatanim.

Isa ang petsay sa mga gulay na paborito kong lutuin. Ito ay nagtataglay ng Vitamin C na nagpapalakas sa ating immune system at Vitamin K na nagpapalakas naman at nagpapatibay sa ating mga buto. Mababa ang calories at fat nito habang ang protein at fiber naman ang mataas. Sa video ay mapapanood nyo ang paraan ko ng pagluluto sa ginisang petsay na sinahugan ko ng itlog at baboy. Madali lang itong lutuin. Iginisa ko lang ang mga sangkap na bawang, sibuyas, kamatis at pagkatapos ay isinunod ko na ang mga hiniwa kong baboy. Nang maluto na ang baboy ay saka ko inihulog ang petsay at sabay tinimplahan ng pampalasa na patis. Habang hinihintay kong kumulo ang aking ginisa ay sinasabayan ko muna ito ng pagkanta. Nakakarelax kasi at sabi ng matatanda kapag kumakanta ka raw habang nagluluto ay lalong sumasarap ang niluluto mo lalo na kung inspirado ka.

Maraming paraan sa pagluluto ng ginisang petsay. Marami ring pwedeng isahog dito gaya ng tokwa, hipon, sardinas, manok at siyempre ang itlog. Kaya nasa sa’yo na ‘yon kung ano ang gusto mo. Sa paraan naman ng pagluluto ay pwede mong unahin na isang kutsara ang sahog na baboy para ang pagmamantika nito ang siya mo na ring gagamitin na panggisa mismo. Kaya naman sa dami ng choices mo ay siguradong may mapipili ka. Kung bet mo naman ang maanghang pwede mo rin itong samahan ng sili. Kung nasa mood ka namang humigop ng sabaw, pwede mo rin i-try ang pechay soup.

Kaya naman kung hindi ka kumakain ng gulay, subukan mo ang petsay at tiyak na mahuhumaling ka sa lasa ng ginisang petsay!

Salamat sa Lutong mula sa puso 2.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here