LUCKY FRUIT AND FLOWER PARA SA PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR

142

Na-adapt natin sa mga Tsino ang paglalagay ng mga prutas sa lamesa sa pagsalubong sa Bagong Taon sa paniniwalang ito ay maghahatid ng suwerte.

        Narito ang ilang sa mga lucky fruit and flower sa pagsalubong sa Bagong Taon.

1.   Oranges (Abundance and Happiness)—Napaka-popular ng prutas na ito tuwing Chinese New Year. Kaugalian sa ilang lalawigan sa China na maglagay ng potted plants na may miniature oranges o Kumquat trees. Ang orange ay katulad ng Araw at ito ay naka-align sa Yang (positive) principle. Samakatuwid, ang prutas na ito ay itinuturing na pinaka-suwerteng simbolo ng kasaganahan at kaligayahan. Naging kaugalian na rin ang pagsasabit ng mga Mandarin oranges sa isang potted shrub bilang indoor decoration tuwing Chinese New Year. Maihahalintulad ito sa Christmas tree. Ito ay tinatawag ng mga Tsino na lucky tree bearing fruits. Ang iba ay naglalagay ng mga orange sa tapayan o sisidlan ng bigas upang makapaghatid ng biyaya.

2.   Pomelo (Good luck and family unity)—Maging ito man ay hinog o hilaw, ang prutas na ito ay napakahalagang sangkap sa pagsalubong ng Chinese New Year. Sinasabing ang pomelo ay nag-aakyat ng suwerte sa bahay. Kaugalian ng mga Tsino na palamutian ang kanilang mga tahanan ng isa o dalawang pares ng pomelo. Mas mainam ang magkaparehang pomelo dahil na rin sa kasabihang, “all good things come in twos”. Ang pomelo ay simbolo ng pampamilyang pagkakabuklod.

3.   Grapes, Plums, Jujube, Kumquats (Good luck and Prosperity)—Ang pangkat ng mga prutas na ito ay simbolo ng magandang kapalaran, kasaganahan, tagumpay, kayamanan, at pagkakaanak. Ang mga prutas na ito ay karaniwang iniaalay kay Buddha.

4.   Orchid (Fertility and Abundance)—Mabenta ang mga orkidyas tuwing Chinese New Year dahil na rin sa simbolo nang pagkakaroon ng maraming anak at kasaganahan. Ang orkidyas ay sagisag rin ng kainosentihan, karangalan, at maayos na pamumuhay. Karaniwang ipinangreregalo ang orchids tuwing Chinese New Year.

5.   Peach Blossoms (Prosperity and Growth)— Itinuturing na sagrado ang bulaklak na ito sa China. Karaniwan itong ginagamit na pangdekorasyon at inilalagay lamang sa mga mamahaling plorera o vase. Ang peach fruit naman ay simbolo ng longevity. Ang bulaklak at prutas ng peach ay kapuwa mahalaga para sa mga Tsino dahi sa kanilang simbolo sa pag-ibig, prosperidad, at pag-unlad. Popular ito sa mga single na nais magkaroon ng love partner.

6.   Plum blossoms (endurance and courage)—Ang matingkad na kulay rosas na bulaklak na ito ay simbolo ng pagkamatiis at katatagan ng loob—dalawang katangiang mahalaga sa pagkakaroon ng masaganang pamumuhay.  Ang plum na hinaluan ng orchid (purity), bamboo (katatagan), at chrysanthemum (pagiging makatao) ang siyang bumubuo sa “the four nobles”.

7.   Peonies (richness and peace)—Ito ay nakaugnay sa feminine beauty, innocence, affection, at charm. Ito ay tinatawag na “flower of riches and honor”. Masuwerte ang pulang peonies.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 24
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 25, 2020
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here