Lucky Charm hindi titigil ang swerte

Kailangan mo lamang ng kandila kulay green o puti, magnet,baso,tubig at silver na barya. Pati narin syempre ang ating paniniwala at sarili.

Una ang gagawin mo ay sisindihan mo ang kandila ito ay tutulong sa atin upang makahanap tayo ng swerte o makaattract. Sunod naman ay kuhanin mo ang tubig at ilagay mo ito sa baso. Pagdikitin mo ang magnet at barya saka sabihing ang baryang ito ay dodoble ng walang katapusan bibigyan ako nito ng walang katapusang swerte. At ilubog kaagad sa tubig. Ang baryang gagamitin ay kahit anong barya basta ay silver. Sunod naman ay patayin mo ang kandila gamit ang tubig sa baso at ilagay rin sa baso ang kandila.

Ilagay mo ito sa inyong altar, kung wala ay maaring ilagay ito sa tabi ng iyong tulugan o ilalim ng iyong tulugan. Maraming salamat sa inyong pagbabasa at sana ay nakatulong ito sa inyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here