Love Story May 18; Nag-iisa ako, Maghihintay sa’yo

1
202

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Maraming beses nang nabigo at umiyak si Sayaka sa pag-ibig. Pero ito ay dahil lang sa iisang tao. Kay Mark. Sa tuwing magkaka-girlfriend si Mark ay palagi niya itong iniiyakan.

          “O tissue.” Alok ng bestfriend niyang si Melody.

          “Sabi ko na nga ba, sasagutin siya ni Aida…”

          “At sabi ko na nga ba iiyak ka na naman, bakit kaya hindi mo ipagtapat ang pag-ibig mo diyan sa besty mong si Mark baka sakaling mahalin ka rin niya.”

          “Ayoko nga.”

          “E di magtiis ka…”

Iyon talaga ang plano ni Sayaka. Ang magtiis na lang.

Hanggang isang araw.

          “Nasan si Mark?” humahangos si Sayaka sa lobby ng hospital.

          “Nasa room 107.” Sagot ng pinsan ni Mark na nakasalubong niya.

Nakita nga niya pero hindi niya malapitan ang binata. Naroon kasi ang girlfriend nito.

Ang ina ni Mark ang lumapit sa kanya.

          “Tita ano pong nangyari?”

          “ Nabangga ang sinsakyan niyang kotse…tumawag na ang daddy niya, gustong ipadala ko si Mark sa America para doon magpagaling…”

          “A-America?”

Tumango ang ina ni Mark.

          “Payag naman si Mark, pumayag na rin ang girlfriend niya…ako na lang yata ang tutol…ayoko kasing mapalayo sa akin ang anak ko…’

          “Tutol din po ako!”

Nabigla sa pagsasabi si Sayaka. Makahulugan siyang tiningnan ng mama ni Mark.

          “K-kaibigan ko po siya,,, bestfriend kaya malulungkot din po ako pag umalis siya…pero kung iyon po ang makakabuti…”

Ilang taon na si Mark sa America. Ikinasal na nga ang girlfriend niya sa iba. Pero si Sayaka, naghihintay pa rin sa pagbabalik niya.

          “Kumusta na kaya siya…sana man lang nagcreate siya ng facebook account…ni hindi man lang nga siya tumatawag…”

          “In short, nakalimutan ka na niya.” tukso ni Melody habang magkasabay silang kumakain sa isang fastfood.

          “Pero bakit ganon, hindi ko pa rin siya makalimutan…”

          “Hay naku besh, kalimutan mo na siya kasi ikaw nga hindi na niya naalala. Saka yung mudrakels niya kinuha na rin ng daddy niya diba, so wala na siyang reason na bumalik pa dito.”

          “Malay mo, maisip niya kong balikan?”

Natawa lang si Melody sa sinabi ni Sayaka.

          “Nakakatawa ‘yon?” inis na anas ni Sayaka sa kaibigan.

Muli ay mabilis na nalagas ang tangkay ng panahon. Nanatili siyang naghihintay sa pag-ibig na walang katiyakan.

Hanggang sa…

          “U-Uuwi na si Mark?”

Maraming katanungan sa isip si Sayaka na hindi niya alam kung paano sasabihin dahil…

          “Ito ang mga sulat niya para sa’yo na hindi naman niya ipinadala, nakita ko na lamang sa cabinet niya…”

          “P-Para sa’kin?”

          “Oo, mula nang malumpo si Mark dulot ng aksidente, namuhay na siya sa kalungkutan. Kaya nga pinasunod ako doon ng dati kong asawa para alagaan ang anak ko. At ngayon…wala na siya…wala ng dahilan para manatili ako doon…at bilin din ng anak ko na iuwi ang kanyang mga labi dito.”

Nag-unahan ang mga luha ni Sayaka sa pag-agos sa kanyang pisngi.

          “Pero ano pong ikinamatay niya?”

          “Kanser sa buto…dulot pa rin iyon ng aksidente…”

Nang mapag-isa ay binasa ni Sayaka ang mga sulat na naipon para sa kanya.

          “Dear Sayaka, alam ko kung gaano mo ako kamahal…at alam ko na hinihintay mo ang pagbabalik ko…sorry kung hindi ko agad naramdaman ang pag-ibig sa’yo, pero huli na, hindi ko na maibibigay sa’yo ang sarili ko dahil wala na akong patutunguhan…kaya sana maging masaya ka sa buhay na meron ka ngayon kahit wala ako sa piling mo…nagmamahal, Mark.”

Wala na si Mark. Pero ang pag-ibig ni Sayaka para sa kanya ay nasa puso pa.

Dinalaw niya si Mark sa puntod nito.

          “Hinintay kita Mark…nag-iisa akong naghintay sa’yo…pero ngayon ikaw naman ang maghintay sa’kin sa kabilang buhay…hintayin mo ako Mark, darating ako sa tamang panahon…”

 

                                                            Wakas

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleChinese Horoscope, May 19
Next articleTanong mo Sagot ko May 19
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here