Love Horoscope; Setyembre 5

317

ARIES

Sisikapin mo na maipadama sa iyong kapareha ang labis mong pagmamahal sa kanya sa araw na ito kahit pa wala namang okasyon. Ito ay bunsod ng nararamdaman mong tila pagtatampo niya sa kakulangan ng oras mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 14 & 18

TAURUS

Batid mo na hindi kasing lalim ng pagmamahal mo sa iyong kapareha ang pagmamahal niya sa’yo. Kaya naman mag-iisip ka ng paraan kung paano mo makukuha ng buo ang pagmamahal niya para maging tulad din ito ng pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Dahil sa mga bali-balitang maririnig mo tungkol sa taong minamahal mo ay magpapasya kang iwasan siya nang hindi man lang siya tinatanong kung may katotohanan nga ba ang mga ito o wala. Hindi ka magiging patas sa kanya.

Masuwerteng numero; 22 & 42

CANCER

Mauuwi sa wala ang pakikipaglaban mo para sa kanyang pag-ibig dahil siya na mismo ang bibitaw. Kahit gaano mo pa kagusto na maging okay pa kayo at maging maayos ang lahat ay wala na rin itong patutunguhan.

Masuwerteng numero; 5 & 12

LEO

Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo dahil lang sa pag-iwan niya sa’yo. Magpasalamat ka at may mga kaibigan kang handang umalalay sa’yo sa panahon na makakaramdam ka ng panghihina dahil sa kabiguan sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 17 & 34

VIRGO

Marami kang dapat ayusin sa inyong relasyon bago ka makadama ng kapanatagan. Unang-una na rito ang pakikisama mo sa iyong mga in-laws. Hindi mo ito maaaring balewalain kung nais mo na magkasundo kayo.

Masuwerteng numero; 50 & 60

LIBRA

Mararamdaman mo ngayon ang pagtingin sa’yo ng isang kapitbahay. Alam mo na ang dapat mong gawin para maiwasan ang tukso na tulad niya dahil hindi ito makakabuti para sa pagsasama nyo ng iyong kapareha.

Masuwerteng numero; 7 & 14

SCORPIO

Magiging mabilis lang ang iyong pagpapasya tungkol sa inyong relasyon. Dahil matagal ka na rin namang nanghihinawa sa kanya at sa hindi maganda niyang pag-ugali kaya hindi ka na mahihirapan na makipaghiwalay sa kanya.

Masuwerteng numero; 13 & 36

SAGITTARIUS

Malaki ang magagawa mo para matulungan ang iyong mahal sa pinagdaraanan niya ngayon na problemang pinansiyal. Hindi mo man sabihin ay tatanawin pa rin niya itong utang na loob sa’yo dahil sa laki ng magagawa nitong tulong para sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 45

CAPRICORN

Ang pangungulila mo sa iyong mahal ay maiibsan ng ibang tao. Kaya naman pansamantala mo siyang makakalimutan. Ang sandaling pagkalimot mo na ito ay magdudulot ng malaking problema sa’yo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 35 & 58

AQUARIUS

Dapat mong ipagpasalamat na merong tao na nagmamahal sa’yo ng labis at higit pa sa inaasahan mo ang makakaya niyang gawin para sa’yo. Kaya naman hangga’t maaga pa ay ikaw na ang umiwas sa mga tuksong lumalapit.

Masuwerteng numero; 41 & 49

PISCES

Mapipilitan kang magpaubaya sa isang kaibigan kahit pa gustong gusto mo rin ang tao na mahal din niya. Ito ay dahil baon ka sa kanya sa utang na loob kaya hahayaan mo na lang na sumaya siya kapalit ng kalungkutan mo.

Masuwerteng numero; 25 & 33

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here