Love Horoscope Setyembre 30, 2022

ARIES

Dahil sa matanggap mong tawag   mula sa iyong mahal ay mababawasan ang labis na kalungkutan na iyong nararamdaman at kahit paano ay maiibsan ang pagkamiss mo sa kanya. At dahil dito ay gaganda ang araw mo.

Masuwerteng numero; 3 & 6

TAURUS

Sa wakas ay magkikita na rin kayo ng iyong mahal. Matagal tagal din ang panahon ang iyong tiniis na hindi makasama at isat isa, ngayon ay magkakaroon na rin ng kapanatagan ang iyong puso isipan

Masuwerteng numero; 15& 22

GEMINI

Sa kabila ng iyong pag-iingat na hindi mo siya masaktan at mangyayari pa din ito, Hindi niya magugustuhan ang mga salitang lalabas sa iyong bibig tungkol sa kanya. Kaya agad kang gagawa ng paraan at hihingi ng paumanhin sa iyong mga nasabi.

Masuwerteng numero; 22 & 28

CANCER

Isang tao ang laging magiging laman ng puso mo at isipan.  Alam mong hindi na dapat ngunit pilit mo mang iwasan ay lalo lamang siyang nagsusumiksik sa iyong isipan.

Masuwerteng numero; 18 & 20

LEO

Isang dating kasamahan sa trabaho ang magpaparamdam ng pagtingin niya sayo ngayon. Ikakagulat  mo ito dahil dahil alam mong mataas ang kanyang standard. Ngunit ngayong nagparamdam siya sa kagaya mong simply lamang ang buhay ay mapapaisip ka.

Masuwerteng numero; 1 & 2

VIRGO

Hindi mo kaiinipan ang hindi pa niya pagpapakita at pagpaparamdam sa’yo.  Bukod sa sanay kana dito ay may importante kang pinagkakaabalahan na higit na mas mahalaga.

Masuwerteng numero; 8 & 15

LIBRA

Malaki ang ipagbabago ng inyong relasyon. Hindi mo dapat sisihin ang sarili sapagkat  alam mong ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Ngunit sa kabila nito at hindi niya ito nakikita.

Masuwerteng numero; 28 & 31

SCORPIO

Hindi ka niya gaanong mabibigyan ng pansin ngayon dahil may mahalaga siyang pinagkakaabalahan na makakabuti para sa lahat. Ngunit wagkang mag-alala dahil pagkatapos babalik siya sa dating malambing na siya at ibibigay niya sayo ang kanyang oras.

Masuwerteng numero; 7 & 8

SAGITTARIUS

Kailangan niya ang buo mong suporta sa pagkakataong ito, Kailangan niya ng isang taong totoong nagtitiwala sa kanyang kakayahan at ikaw dapat ang unang una na magpaparamdam sa kanyan nito. 

Masuwerteng numero; 42 & 62

CAPRICORN

Huwag mong masyadong mag focus sa iyong mahal kahit nasa malayo siya ay maayos ang kanyang kalagayan. Dapat mong ibuhos ang atensyon mo sa iyong sarili dahil mukhang napapabayaan muna ito.

Masuwerteng numero 10 & 11

AQUARIUS

Makagawa man siya ng kamalian ngayon ay paulit ulit mo pa rin siyang patatawarin, Paulit ulit mo siyang iintindihin Isa lang ang dahilan kung bakit sa kabila ng kanyang mga pagkukulang ay tinatanggap mo pa rin siya. Ito ay ang tunay mong pagmamahal sa kanya at hindi mo kakayanin na mawala siya sa iyo.

Masuwerteng numero; 1 & 9

PISCES

Hindi mo mapipigilan ang sarili na mapaiyak dahil sa sobra mong pagkamiss sa kanya.  Sa kabila ng inyong mga samaan ng loob ay mas mananaig sayo ang lalim ng iyong pagmamahal sa kanya.

Masuwerteng numero; 14 & 16