Love Horoscope; Setyembre 29

233

ARIES

Magaganap pa rin kung anong nakatakda kahit na anong pigil mo rito. Maaaring magdulot ng kalungkutan sa’yo sa ngayon ang paglayo ng iyong karelasyon subalit pansamantala lamang ang kalungkutang ito.

Masuwerteng numero; 8 & 18

TAURUS

Dahil sa dami ng utang na loob mo sa iyong kapareha ay mapipilitan kang pagbigyan ang kanyang hiling kahit pa labag ito sa kalooban mo. Tatanggapin mo ito kahit masakit dahil mas importante sa’yo ang kaligayahan niya.

Masuwerteng numero; 14 & 23

GEMINI

Hindi mo na mababawi ang nasabi mo na kaya hindi ka na rin makakaatras sa kompromiso. Maiintindihan naman ito ng iyong kapareha kaya sa halip magalit ay susuportahan ka na lang niya sa iyong nais.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CANCER

Yung akala mo ay okay na okay na ang inyong relasyon ay bigla na lang siyang hindi magpaparamdam sa’yo. Mahihirapan kang kontakin siya sa kahit na anong paraan kaya labis kang mag-aalala para sa kanya at para sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 34 & 37

LEO

Bagamat maganda ang pakita niya sa’yo, mabait at malambing ay hindi mo pa rin masisiguro na mahal ka na nga niya. Hangga’t hindi niya ito sinasabi sa’yo ay huwag ka na munang mag-assume kung ayaw mong masaktan.

Masuwerteng numero; 22 & 41

VIRGO

The more you hate, the more you love. Ito ang mapapatunayan mo ngayon sa iyong buhay pag-ibig. Dahil ang tao na labis mong kinaiinisan ay kalulubagan mo ng loob ngayon at mararamdaman mo ang pagmamahal sa kanya.

Masuwerteng numero; 13 & 26

LIBRA

Mapipilitan kang bitawan ang inyong relasyon dahil sa sobrang stress mo na rito. Maraming kontra sa inyo at nakadagdag pa sa stress mo ang tila pananahimik niya sa kabila ng mga bumabatikos sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 21 & 33

SCORPIO

May bagong pag-ibig na kakatok sa puso mo. Pero hindi ka pa handa para pagbuksan ito. Sariwang sariwa pa kasi sa isip at puso mo ang pinagdaanang kabiguan mula sa tao na labis mong minahal kaya gusto mo na munang magpahinga.

Masuwerteng numero; 46 & 57

SAGITTARIUS

Hindi mo kailangang makipagkompetensya sa iyong mahal. Ang dapat ay nagtutulungan kayo at sinusuportahan ang isa’t-isa. Kung patuloy kayong magpapaligsahan ay matatabunan nito ang pagmamahal sa puso nyo.

Masuwerteng numero; 13 & 39

CAPRICORN

May kaaaliwan ka ngayong tao na magpapangiti at magpapakilig sa’yo. Pero huwag ka munang masyadong mag-assume dahil masyado pang maaga para malaman mo ang tunay niyang damdamin para sa’yo.

Masuwerteng numero; 67 & 69

AQUARIUS

Hindi magiging sapat para sa’yo ang mga panagako na bibitawan  at iiwanan niya sa’yo. Alam mo na mahihirapan ka sa long distance relationship pero susubukan mo pa rin dahil wala ka namang ibang option.

Masuwerteng numero; 57 & 62

PISCES

Ngayong wala na siya sa’yong tabi ay saka mo lamang malalaman ang tunay niyang halaga sa’yo. Hahanap hanapin mo ang paglalambing niya lalo na ang tunay niyang pagmamahal na binalewala mol ang.

Masuwerteng numero; 8 & 16

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here