Love Horoscope Setyembre 29, 2022

ARIES

Wala kang masasabi sa iyong mahal. Nasa kanya ang mga katangian na pinapangarap mo sa isang kapareha. Yung handang gawin maibigay lamang pangangailangan mo sa abot ng kanyang makakaya. Kaya naman wala kang magiging dahilan para maghinanakit sa kanya.

Masuwerteng numero; 12 & 25

TAURUS

Sa inyong dalawa ay ikaw ang may mas malawak na pang-uunawa para sa inyong relasyon. Kaya naman kahit may pag-aalinlangan ka ay gagawin mo pa rin para lamang hindi masayang ang samahan na naumpisahan nyo ng maganda.

Masuwerteng numero; 6 & 19

GEMINI

Hindi ka na magtataka kung magbago man ang pagtingin niya sayo, sapagkat  ang relasyon na binuo ninyong dalawa alam nyo sa mga sarili nyo na hindi ito polido at hindi kayo sigurado sa isa’t-isa lalo ka na.

Masuwerteng numero; 35 & 40

CANCER

Hindi mo maiiwasan ang kaway ng tukso dahil palaging nakatuon ang atensyon mo rito. Hindi mo mamamalayan na sobra ka ng nahuhulog sa kanya. Kaya kahit gustuhin mo pang iwasan ay mahihirapan ka ng gawin ito. Parang kang ginigisa sa sarili mong mantika

Masuwerteng numero; 20 & 27

LEO

Ikaw ang magsisilbing mata at teynga ng iyong mahal sa inyong opisina dahil ikaw pa lang ang may kakayahan at papayagang pumasok sa trabaho. Marami kayong kalaban doon kaya kailangan mong maging alisto.

Masuwerteng numero; 11 & 18

VIRGO

Sa gitna ng iyong kalungkutan ay darating ang tao na magpapasaya sa’yo. Bagamat inaasahan mo at hinihiling talaga ang kanyang pagdating para i-save ang araw mo ay matutuwa ka pa rin na parang nasorpresa.

Masuwerteng numero; 37 & 45

LIBRA

Ngayong araw ay mauubos ang oras mo sa kakaisip kung dapat mo na nga ba siyang hiwalayan. Kung dapat mo na nga bang wakasan ang isang relasyon na hindi na healthy para sa inyong dalawa dahil hindi ka na rin masaya.

Masuwerteng numero; 25 & 34

SCORPIO

Kung noong mga nakaraang araw ay hindi mo pa masyadong nararamdaman ang kanyang pagkawala, ngayong araw ay lubos mo itong mararamdaman. Bawat sulok ng iyong bahay ay magpapaalala sa kanya.

Masuwerteng numero; 8 & 13

SAGITTARIUS

Hindi mo na kailangan na ipagtulakan pa siya palayo sa’yo dahil siya na mismo ang kusang lalayo. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman ang panlalamig mo sa kanya kaya para sa iyong kasiyahan ay siya na ang didistansya.

Masuwerteng numero; 55 & 68

CAPRICORN

Mula sa pagiging estranghero sa isa’t-isa ay magbo-bloom na parang isang magandang bulaklak ang inyong relasyon. Magsisimula ito sa magandang palitan nyo ng conversation sa chat. Pareho kayong mai-inspire.

Masuwerteng numero; 70 & 79

AQUARIUS

Hindi mababalewala ang matagal na panahon na ipinagtiis mo sa paghihintay sa kanya. Sa araw na ito ay magpapasya na siyang bumalik sa’yo. Mas pipiliin niya na balikan ang naudlot ninyong relasyon kaysa piliin ang iba.

Masuwerteng numero; 42 & 51

PISCES

May magandang pangyayari na mamamagitan sa inyong dalawa ngayon. Magiging dahilan ito at simula ng maganda ninyong pagtitinginan. Mula sa araw na ito ay hahanap hanapin mo na ang kanyang presensya.

Masuwerteng numero; 36 & 40