Love Horoscope; Setyembre 28

243

ARIES

Kakailanganin mong mamili sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng iyong kapareha. Hindi ito magiging madali para sa’yo lalo na at naunang dumating sa buhay mo ang matalik mong kaibigan bago ang iyong mahal.

Masuwerteng numero; 15 & 34

TAURUS

Wala kang masasabi na hindi maganda tungkol sa iyong karelasyon dahil wala siyang masamang ipinakita sa’yo. Kaya magtataka ka kung bakit masama ang tingin sa kanya ng ibang tao na nakapaligid sa inyo.

Masuwerteng numero; 17 & 20

GEMINI

Hindi pa ito ang tamang panahon ng pagtatagpo nyo ng tao na tunay na magmamahal sa’yo. Kaya’t huwag kang magmadali. Gamitin mo ang panahon mo sa mas makabuluhan at maghinay hinay lamang sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 34 & 45

CANCER

Huwag gawing basehan ang karanasan ng iba upang matakot na sumubok sa pag-ibig. Lahat tayo ay may kanya-kanyang karanasan at pagsubok na laan sa kahit na anong aspeto sa buhay lalo na sa usaping pag-ibig.

Masuwerteng numero; 23 & 25

LEO

Ikakagulat mo ang lalabas sa bibig ng iyong kapareha. Hindi mo naiisip na all this time ay ganito kababa ang pagtingin niya sa’yo kaya naman hindi mo maiiwasan na makaramdam ng labis na hinanakit dahil dito.

Masuwerteng numero; 14 & 20

VIRGO

Walang puwang ngayon sa buhay mo ang usaping pag-ibig. Alam mo na makapaghihintay ito kaya sa ngayon ay mas pipiliin mo na munang bigyan ng atensyon ang iyong trabaho para sa posisyong pinakaaasam.

Masuwerteng numero; 6 & 7

LIBRA

Kahit na anong panalangin mo ay hindi pa ibibigay sa’yo ng Diyos ang tao na hinihiling mo na siyang laan sa’yo. Ito ay dahil hindi pa ito ang tamang panahon para magkrus ang inyong landas at magkapalagayan ng loob.

Masuwerteng numero; 44 & 60

SCORPIO

Malayo pa ang mararating ng inyong pagsasama kaya huwag ka munang susuko. Ang mga pagsubok na nararanasan nyo ngayon ay bahagi pa rin ng inyong relasyon na higit na magpapatatag sa inyong pagmamahalan.

Masuwerteng numero; 12 & 18

SAGITTARIUS

Mabilis pa sa alas kuwatro mong matatanggap ang inyong paghihiwalay. Sa umpisa pa lang kasi ng inyong pagsasama ay puro problema na ang inyong hinarap kaya para kang mabubunutan ng tinik ngayon.

Masuwerteng numero; 6 & 9

CARPICORN

Hindi mo maiiwasan na makadama ng panghihinayang dahil sa tao na dumating kamakailanlang sa buhay mo. Makakaramdam ka kasi ng matinding sensasyon para sa kanya  gayong alam mo namang hindi ka na pwede.

Masuwerteng numero; 25 & 38

AQUARIUS

Sa muling pagkakataon ay susubukan mo siyang kontakin upang ayusin ang inyong relasyon. Sa ngayon ay aaminin mo sa sarili mo na hindi mo pa kayang mawala siya sa’yo kaya’t gagawan mo ng paraan na magkabalikan kayo.

Masuwerteng numero; 27 & 42

PISCES

May maganda kang mapapala sa pagpapakumbaba mo sa iyong mahal. Dahil dito ay lalo niyang maa-appreciate ang effort at pagmamahal mo sa kanya. Kaya ngayon mo masisiguro na tama lang ang desisyon mo.

Masuwerteng numero; 8 & 18

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here