Love Horoscope; Setyembre 27

206

ARIES

Sa kabila ng pagiging malapit at mabait niya sa’yo ay wala ka pa ring pag-ibig na maaasahan sa kanya. Masakit man ang katotohanan pero hanggang kaibigan lang talaga ang makakaya niyang ibigay sa’yo sa ngayon.

Masuwerteng numero; 4 & 16

TAURUS

Walang sinuman ang nakakaalam kung ano nga ba ang mangyayari sa kinabukasan kaya aasa ka na lang muna sa kung ano ang mga nangyayari sa relasyon nyo ngayon. Pipilitin mong makuntento sa kung ano ang kaya niyang maibigay.

Masuwerteng numero; 8 & 20

GEMINI

Hindi ito ang tamang panahon para mabuhay ka sa kalungkutan. Masuwerte ang araw na ito para sa’yo kaya’t bumangon at ipakita sa iyong ex na kaya mo pa ring maging masaya pa kahit tinalikuran ka na niya.

Masuwerteng numero; 15 & 30

CANCER

May magandang balik sa’yo ang pagpapaubaya mo sa kanila sa ngalan ng pag-ibig. Dahil pinili mo na maging malungkot alang-alang sa kanilang kaligayahan ay bibigyan ka ng reward ng langit na ikasisiya mo rin.

Masuwerteng numero; 40 & 50

LEO

Hindi mo na dapat palampasin ang napakagandang pagkakataon na ibibigay sa’yo ng tadhana para ipakita ang tunay mong nararamdaman sa kanya. Sa oras na mapalampas mo ito ngayon ay matatagalan pa ulit ang iyong chance.

Masuwerteng numero; 8 & 27

VIRGO

Pagdating sa pag-ibig hindi mo dapat ipinapaubaya sa iba ang pagdedesisyon. Sarili mong puso ang sangkot dito kaya’t ikaw lamang ang nakakaalam kung ikaliligaya mo ba ito o ikalulugmok lang sa kalungkutan.

Masuwerteng numero; 24 & 26

LIBRA

Paminsan minsan ay kakailanganin mo ring making sa sinasabi ng ibang tao. Lalo na kung alam mo naming para ito sa iyong ikabubuti. Huwag magbulag bulagan at magtanga-tangahan pagdating sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 45 & 56

SCORPIO

Yung ikaw ang may balak na manorpresa pero ikaw ang siyang masosorpresa ng iyong mahal. Kaya naman mag-uumapaw ang kaligayahan sa puso mo dahil sa natatanging pagkakataon na ito sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 9 & 18

SAGITTARIUS

Walang mababago sa relasyon nyo kahit pa sabihin mo na lahat sa kanya ang iyong sikreto. Masyado ka niyang mahal para matakpan ng mga pagkakamali mo ang pagmamahal niya sa’yo kaya’t napakasuwerte mo.

Masuwerteng numero; 14 & 29

CAPRICORN

Kahit saang lupalop ng mundo ka pa magpunta ay hindi mo pa rin maitatago sa kahit na kanino ang kalungkutang nararamdaman mo lalo na sa iyong sarili dulot ng kabiguan sa pag-ibig. Mas mabuting harapin na lang ito.

Masuwerteng numero; 34 & 38

AQUARIUS

Malaya kang masasabi sa kanya ang tunay mong nararamdaman pero dapat mo ring ihanda ang iyong damdamin sa kung anuman ang kanyang sasabihin tungkol dito. Dahil kung naguguluhan ka ay ganoon din siya.

Masuwerteng numero; 11 & 12

PISCES

Ang pag-asa mo na magkabalikan kayo ay matutuldukan na ngayong araw. Ikaw na mismo ang magbibigay ng tuldok na ito dahil sawa ka na at pagod ka ng umasa sa isang tao na sa tingin mo ay sobrang manhid.

Masuwerteng numero; 15 & 24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here