Love Horoscope; Setyembre 26

186

ARIES

Imulat mo ang iyong mga mata. Bigyan mo ng pansin ang taong tunay na nagmamahal sa’yo. Iwasan mo ang mga tao na nagsusulsol sa’yo para makagawa ka ng mga bagay na alam mo namang hindi mo dapat ginagawa.

Masuwerteng numero; 7 & 18

TAURUS

Wala kang ibang mapagpipilian kundi lakasan mo ang iyong loob sa pagtanggap sa katotohanan na hindi mo na maibabalik sa dati ang inyong relasyon. Subalit hindi mo dapat angkinin lahat ang pagkukulang at pagkakamali.

Masuwerteng numero; 15 & 20

GEMINI

Marami ka pang magagawa para maprotektahan mula sa mga mapanira ang inyong pagsasama. Hindi mo na ito kailangang pag-isipan. Gawin mo lang ang parte mo bilang kanyang kabiyak at magiging okay na ang lahat.

Masuwerteng numero; 46 & 54

CANCER

Hindi mo kailangang ibaba ang iyong sarili sa iyong mga in-laws para lang magustuhan ka nila. Ilabas mo ang tunay mong pagkatao at maging mabuti ka sa kanila kung paano ka naging mabuti sa tunay mong pamilya.

Masuwerteng numero; 10 & 49

LEO

Huwag mong gawing basehan ang lovelife ng iba. Ang lahat ng tao ay may magkakaibang takbo ng buhay pag-ibig. Kung nabigo man sila, pwede kang sumubok bitbit ang mga bagay na natutunan mo mula sa kanilang karanasan.

Masuwerteng numero; 30 & 51

VIRGO

Huwag kang magpapatalo sa bugso ng iyong damdamin. Kailangan mong matutunan kung paano kumalma nang sa gayon ay maayos mo ang mga sigalot sa pagitan nyo ng iyong kabiyak ng buong hinahon.

Masuwerteng numero; 4 & 5

LIBRA

Isa ka sa mga suwerteng nilalang dahil kapiling mo ang iyong mahal. Kaya’t huwag ka ng tumingin sa iba na nasa malayo dahil wala itong buting maidudulot sa iyong pagkatao lalo na sa inyong pagsasama ng tao na tunay na nagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero; 24 & 26

SCORPIO

Huwag mong hayaan na yurakan niya ang iyong dignidad. Kailangan mong bigyan ng limitasyon ang pagmamahal mo sa kanya ng sobra at iwasang kunsintihin siya dahil hindi ito nakakabuti sa’yo at maging sa kanyang pagkatao.

Masuwerteng numero; 22 & 28

SAGITTARIUS

Wala kang dapat ipag-alala sa iyong mahal na nasa malayo. Wala siyang panahon na magtaksil sa’yo. Sa halip ay ikaw ang may malaking posibilidad na magtaksil sa kanya dahil napapaligiran ka ngayon ng mga tukso.

Masuwerteng numero; 15 & 32

CAPRICORN

May malaking pagbabago kang mapapansin sa iyong kabiyak. Subalit hindi mo ito masasabi sa kanya dahil sigurado kang pagmumulan lamang ito ng hindi ninyo pagkakaintindihan dahil sa makitid niyang pang-unawa.

Masuwerteng numero; 7 & 14

AQUARIUS

Dahil sa madalas ninyong pagtatalo na may kinalaman sa iyong libangan ay susubukan mong turuan ang iyong kabiyak sa bagay na ito. Nang sa gayon ay hindi na ito pagmulan pa ng inyong gulo kapag nagustuhan niya rin ito.

Masuwerteng numero; 34 & 48

PISCES

Wala kang mapapala kahit pigain mo pa ang iyong karelasyon sa isang mahalagang bagay na gusto mong malaman. Matutuklasan mo lang ito sa sarili mong pamamaraan at sa pamamagitan na rin ng isang kaibigan.

Masuwerteng numero; 25 & 35

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here