Love Horoscope; Setyembre 25

345

ARIES

Sa kabila ng iyong mahigpit na pagtutol ay mapapapayag ka pa rin ng iyong kapareha sa isang mahalagang bagay na kanyang pagdedesisyunan. Ito ay para na lamang matahimik ang kanyang kalooban.

Masuwerteng numero; 54 & 68

TAURUS

Magiging mabilis lang ang iyong gagawing pagpapasya na iwanan siya. Ito ay dahil may iba ng nagpapasaya sa puso mo kaya naman hindi mo na gaanong bibigyan ng atensyon ang relasyon na tatapusin mo.

Masuwerteng numero; 6 & 9

GEMINI

Hindi mo maiiwasan na hindi masaktan sa mga salitang lalabas sa bibig ng iyong mahal. Bagamat ito ay bahagi lang ng kanyang pagbibiro ay tatamaan ka naman dahil alam mo na merong katotohanan ang kanyang sinasabi.

Masuwerteng numero; 5 & 17

CANCER

Malakas ang kumpiyansa mo sa sarili kaya naman umaasa ka na magiging sunud sunuran sa iyo ang iyong kapareha. Subalit taliwas sa inaasahan mo ay malalaman mo ngayong araw na ikaw ang mapapasunod niya.

Masuwerteng numero; 30 & 40

LEO

Mapipilitan kang pagbigyan ang kahilingan ng iyong mahal ngayong araw dahil alam mo na sa mga susunod na araw ay may hihilingin ka rin sa kanyang pabor at ito ang ipambabawi mo sa kanya para pagbigyan ka rin.

Masuwerteng numero; 13 & 15

VIRGO

Hindi ka mauubusan ng idadahilan sa iyong kapareha para makaiwas sa kanyang mga kagustuhan. Patutunayan mo na kapag gusto talaga ay may paraan at kapag ayaw ay marami ring pwedeng gawing dahilan.

Masuwerteng numero; 23 & 27

LIBRA

Babalakin mong umalis kasama ang iyong mahal pero mabibigo ka lang na maisama siya dahil masyado siyang abala sa mga panahon ngayon. Mas gusto niyang ituon ang atensyon sa trabaho kaysa sa mga plano mong walang halaga sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 19

SCORPIO

Gagawin mo ang lahat para hindi makatunog ang iyong kapareha sa balak mong sorpresa sa kanya. Ang araw na ito ay igugugol mo sa pagpaplano kung paano magiging matagumpay ang iyong mga balakin kasabwat ang ilang tao.

Masuwerteng numero; 66 & 79

SAGITTARIUS

Patuloy mong ipagsisigawan sa mundo ang nilalaman ng iyong damdamin para sa tao na pinakamamahal mo. Kahit pa halos ibulong lang niya sa’yo ang pagmamahal niya na hindi mo pa rin matitiyak kung huwad o totoo.

Masuwerteng numero; 3 & 13

CAPRICORN

Ngayong araw ay makakaramdaman ka ng kahungkagan ng damdamin dahil mamimiss mo ng sobra ang mahal mo na yumao. Sa buong maghapon ay magiging laman ng isipan mo ang mga alaala na kasama mo siya.

Masuwerteng numero; 12 & 21

AQUARIUS

Dahil sa mga balakid ngayong araw ay ipagpapaliban mo na muna ang planong pagpunta sa iyong karelasyon. Alam mo na ikagagalit niya ito pero wala kang magagawa kundi ayusin muna ang mga dapat mong ayusin.

Masuwerteng numero; 4 & 8

PISCES

Hindi mo matitikis ang iyong mahal. Sa kabila ng mga nagawa niyang pagkakamali sa’yo ay susubukan mo pa rin na makipag-ayos sa kanya kahit pa nangangahulugan ito na sa muling pagkakataon ay ikaw ang magpapakumbaba.

Masuwerteng numero; 24 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here