Love Horoscope; Setyembre 24

232

ARIES

Darating ka na ngayon sa point na pag-iisipan mo ng mabuti kung may maganda nga bang idinudulot sa’yo ang pakikipagrelasyon sa kanya o nagsisilbi lang itong toxic sa iyong pagkatao. Gayundin sa pagitan mo at ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 20 & 27

TAURUS

Ang pagmamalasakit mo sa isang kaibigan ay mabibigyan ng ibang kulay ng iyong kapareha. Kaya naman hindi maiiwasan na pagmulan ito ng hindi ninyo pagkakaintindihan. Mahihirapan kang ipaliwanag sa kanya ang side mo.

Masuwerteng numero; 15 & 34

GEMINI

Mauubos ang pasensya mo ngayon sa iyong kapareha na sa iyong palagay ay isip bata. Marami siyang bagay na hindi nauunawaan sa inyong pagsasama na dapat ay nauunawaan na niya kaya mahihirapan kang intindihin siya.

Masuwerteng numero; 2 & 8

CANCER

Isa ka sa mapapalad na natagpuan ang tunay na pag-ibig. Hindi mo man siya ganoon kamahal ay sigurado naman na hindi mo masusukat ang labis niyang pagmamahal sa’yo at dapat mo itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 20 & 49

LEO

Hindi nyo pagkakasunduan ng iyong kapareha ang binabalak mong pagpunta sa malayo. Hindi ganoon kahalaga ang iyong pakay subalit matagal mo na itong balak kaya ikaiirita mo ang hindi niya pagpayag ngayon.

Masuwerteng numero; 15 & 19

VIRGO

Masusubukan mo sa araw na ito ang katapatan sa’yo ng iyong karelasyon. Ngayon mo mapapatunayan na may basehan nga ang iyong mga paghihinala kaya pag-iisipan mo na ngayon ang susunod mong hakbang.

Masuwerteng numero; 40 & 63

LIBRA

Masakit man sa’yo pero wala kang magagawa kundi ang patuloy na magpretend na mahal mo pa rin siya. Ito ay dahil marami kang masisira sa oras na isiwalat mo na ang tunay mong nararamdaman kaya hindi mo rin ito gugustuhing mangyari.

Masuwerteng numero; 7 & 11

SCORPIO

Maganda ang magiging bonding nyo sa labas ng iyong kapareha. Sa araw na ito ay muli ninyong mararamdaman ang tamis ng inyong pag-iibigan. Tulad noong una pa lang kayo nagkita na may spark na agad.

Masuwerteng numero; 26 & 32

SAGITTARIUS

Isang bagong pag-ibig ang bibigyan mo ng pagkakataon sa iyong puso sa araw na ito. Dahil interesado ka rin sa kanyang pagkatao kaya naman gugustuhin mo na makilala mo pa siya ng husto at malaman ang maraming bagay tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 14 & 28

CAPRICORN

Isang bagong kaibigan sa social media ang makakakuha ng iyong interes. Bukod sa makikita mong panlabas niyang kaanyuan ay matutuklasan mo rin ang kabutihan ng kanyang loob. Kaya naman lihim mo siyang magugustuhan.

Masuwerteng numero; 65 & 69

AQUARIUS

Wala kang mapapala sa pakikipagbalikan mo sa tao na minsan ng nagbasura sa’yo. Mauulit lamang ang mga naganap na dati sa inyong relasyon. At sa huli ay ikaw pa rin ang maiiwang talunan. Mababago mo pa ang iyong kapalaran kung pag-iisipan ito.

Masuwerteng numero; 3 & 7

PISCES

Ang biglaan mong pagdedesisyon sa isang mahalagang bagay ay ikasasama ng loob ng iyong kapareha. Lalo na at may kinalaman ito sa inyong pinansiyal na estado. Mag-aalala siya sa kahahantungan ng inyong kabuhayan.

Masuwerteng numero; 15 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here