Love Horoscope; Setyembre 23

254

ARIES

Kahit na anong pagpipigil ang gawin mo ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay mong nararamdaman. ipagkakanulo ka ng sarili mong mga mata sa tuwing titingin ka sa kanya kahit pa walang bigkasin ang iyong mga labi.

Masuwerteng numero; 6 & 7

TAURUS

Maiinis ka lang pero hindi mo pa rin mababago ang atttiude ng iyong kapareha. Gayunpaman, hindi pa ito ang araw ng pagsuko para sa’yo. Susubukan mo pa rin ang lahat ng iyong makakaya para maituwid ang pag-uugali niya.

Masuwerteng numero; 14 & 20

GEMINI

May makikilala ka sa online na magpapangiti at magpapakilig sa’yo. Pero alam mo naman na masyado pang maaga para mag-assume ng pag-ibig. Kaya naman hahayaan mo na lang muna kung saan ito mapunta.

Masuwerteng numero; 11 & 17

CANCER

Mapapatunayan mo sa araw na ito na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin sa’yo ng iyong ex. Ipaparamdam niya sa’yo ngayon ang labis pa rin niyang paghanga sa’yo sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa inyo.

Masuwerteng numero; 66 & 78

LEO

Kapupulutan mo ng aral ang katatapos nyo lang na relasyon. Simula sa araw na ito ay paiiralin mo na sa buhay ang mga aral na nakuha mo mula rito. Dahil ayaw mo ng magkamali pa sa susunod kaya magiging maingat ka na.

Masuwerteng numero; 35 & 43

VIRGO

Hindi mo inaasahan ang mangyayari sa araw na ito. Sa isang dadaluhang event ay makikita mo ang isang tao na matagal mo ng hinahanap. Siya ang tao na nagpapatibok sa puso mo hanggang ngayon na bigla na lang nawala noon.

Masuwerteng numero; 30 & 37

LIBRA

Alam mo na hindi mo na siya maaaring mahalin. Pero sadyang may katigasan ang ulo mo, kahit pag-aari na siya ng iba ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi siya tingnan sa paraan na punumpuno ng pag-asa at pagmamahal.

Masuwerteng numero; 46 & 67

SCORPIO

Magtataka ka sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin sa pagitan nyo ng iyong mahal. Sa pagkakaalam mo kasi ay wala naman kayong pinag-awayan o bagay na hindi pinagkasunduan kaya maninibago ka sa pag-iwas niya.

Masuwerteng numero; 50 & 68

SAGITTARIUS

Malalim ang naging sigalot nyo dati ng isang tao na labis mong minahal kaya hindi mo sigurado kung maibabalik mo sa pa sa dati ang lahat ngayon na muli kayong nagkaroon ng komunikasyon. Aasa ka pa rin kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 5 & 12

CAPRICORN

Ang lubos mong pagtitiwala sa iyong mahal ay maaabuso niya ngayong araw. Magiging dahilan ito ng sama ng loob mo sa kanya. Gayunpaman, hindi mo gugustuhin na maapektuhan sa hindi nyo pagkakaintindihan ang inyong anak.

Masuwerteng numero; 11 & 22

AQUARIUS

May isang tao na darating ngayon sa buhay nyo at magtatangkang sumingit sa pagmamahalan nyo ng iyong kapareha. Siya ang magsisilbing pagsubok sa relasyon nyo kung hanggang saan ba ang kakayanin ninyo para sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 4 & 8

PISCES

Hindi dahil sa ikaw ang nakakatanda ay ikaw na ang magdadala sa inyong relasyon. Kahit mas bata siya sa’yo ay hindi mo inaasahan kung paano siya mag-isip na ams matured pa kaysa sa’yo kaya hindi mo siya maikukumpara sa iba.

Masuwerteng numero; 25 & 32

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here