Love Horoscope Setyembre 23, 2022

ARIES

Huwag mong ipilit ang damdamin mo sa isang tao na ramdam mo ng wala ng pagtingin sa’yo. Ibigay mo sa kanya ang kalayaang ninanais niya dahil hindi ka rin magiging masaya kung alam mong ikaw na lang ang nagmamahal.

Masuwerteng numero; 15 & 35

TAURUS

Mag-ingat sa mga salitang binibitawan sa iyong mahal. May pagka-sensitibo siya at maaaring ang isang salita na walang masamang kahulugan sa’yo ay iba ang maging dating sa kanya. Magdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 7 & 14

GEMINI

Dahil ayaw mo siyang mawala sa’yo kaya naman gagawin mo ang lahat ng anumang nais niya. Maging ang mga bagay na hindi mo na kaya ay pipilitin mo pa ring kayanin mapagbigyan lamang siya sa kagustuhan niya.

Masuwerteng numero; 56 & 68

CANCER

Kahit na anong sakit pa ang naranasan mo na sa piling niya ay patuloy ka pa ring magbubulag bulagan. Labis ang pagmamahal mo sa kanya kaya hindi mo siya makakayang iwan tulad ng pinapayo sa’yo ng mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 37 & 75

LEO

Wala kang panahon ngayon sa iyong buhay pag-ibig dahil sa sobrang kaabalahan mo sa ibang bagay. Kaya naman hahayaan mo lang ang mga naririnig mo tungkol sa kanya. Wala ka sa mood na patulan ang mga balita.

Masuwerteng numero; 89 & 94

VIRGO

Isang kaibigan ang mafa-fall sa’yo dahil sa angkin mong talento at kabaitan na ipinapakita sa kanya. Mamimisinterpret niya ang magandang trato mo kahit hindi mo naman ito sinasadya kaya maging aware ka.

Masuwerteng numero; 20 & 40

LIBRA

Ang balak mong palipasin ang sama ng loob sa’yong kapareha sa ibang lugar ay hindi mangyayari. Dahil bago ka pa man makaalis ay lalapitan ka na niya upang ayusin ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 57 & 58

SCORPIO

May bago kang mamahalin pero hindi mo muna ito sasabihin sa kanya. Ayaw mong magmadali dahil takot ka ring magkamali. Gusto mo muna siyang kilalanin at malaman ang lahat ng detalye tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 67 & 73

SAGITTARIUS

Hindi ka mawawalan ng pag-asa kahit pa siya na mismo ang nagsabi sa’yo na wala ng pag-asa ang inyong relasyon. Mananatili ka pa ring nakakapit sa kanya kahit gaano pa ito kasakit sa’yo dahil mas hindi mo kaya na tuluyan siyang bitawan.

Masuwerteng numero; 33 & 37

CAPRICORN

Wala kang panahon na ma-stress sa iyong lovelife kaya sa unang pagkakamali pa lang niya sa’yo ay hindi mo na gugustuhin na ipagpatuloy pa ang inyong relasyon. Mas gusto mong pahalagahan ang sarili mo kaysa sa kanya na walang pagpapahalaga sa’yo.

Masuwerteng numero; 13 & 32

AQUARIUS

Ang pagdaramdam mo sa kanya ay maiibsan ngayong araw dahil sa gagawin niyang effort. Magdadalawang isip ka na tanggapin ito subalit hindi mo rin naman siya matitiis kaya makikipag-ayos ka na lang din.

Masuwerteng numero; 15 & 18

PISCES

Magandang araw ito para ituloy ang bonding nyong ilang ulit ng naudlot nitong mga nakaraang araw na pareho kayong hindi pwedeng lumabas. Ngayon kahit saglit lang ay itutuloy nyo na ang paglabas ng kayong dalawa lang.

Masuwerteng numero; 45 & 50

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here