Love Horoscope; Setyembre 22

319

ARIES

Sa ngayon ay hindi mo pa matatanggap ang pag-ibig na iniluluhog sa’yo ng isang tao. Bukod sa pagod pa ang puso mo sa nagdaang relasyon ay hindi mo pa siya masyadong kilala kaya masyado pang maaga para magdesisyon.

Masuwerteng numero; 10 & 14

TAURUS

Hindi pa ito ang tamang panahon para maka-recover ka mula sa kabiguan sa pag-ibig na iyong pinagdaanan. Sa kabila nito ay mananatili kang matatag at hindi ka pa rin mawawalan ng pag-asa sa iyong puso.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Kahit na anong buti ang ipakita mo sa iyong mga in-laws ay may masasabi at masasabi pa rin sila tungkol o laban sa’yo. Ito ay dahil alam mo namang sa simula pa lang ay meron na silang ibang gusto para sa iyong asawa.

Masuwerteng numero; 5 & 8

CANCER

Hindi ikaw ang tipo na nagpapadaig sa maliliit man o malalaking paghamon sa buhay lalo na kung ito ay may kinalaman sa iyong buhay pag-ibig. Handa kang sumugal gaano man kalaki o anuman ang maging epekto nito sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 6 & 18

LEO

Malalaman mo na ngayon ang sagot kung bakit ganoon na lang kabait sa’yo ang isang kasamahan sa trabaho. Kung bakit lahat ng nais mo ay pinagbibigyan niya at lagi ka niyang pinapaboran. Ito ay dahil gusto ka niya.

Masuwerteng numero; 9 & 15

VIRGO

Mawiwindang ka sa katotohanang malalaman mo tungkol sa iyong mahal. Hindi mo ito sukat akalain dahil kabaligtaran ito ng ipinapakita niya sa’yo. Pero kailangan mo munang makasiguro tungkol sa bagay na ito.

Masuwerteng numero; 45 & 57

LIBRA

Tulad ng mga nakaraan niyang pangako ay muli ka niyang paaasahin sa matatamis niyang salita. Kahit alam mong malabo ito ay gugustuhin mo pa ring umasa dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Kahit na anong mangyari.

Masuwerteng numero; 30 & 33

SCORPIO

Wala kang balak na tanggapin ang pakikipagbalikan ng isang dating pag-ibig. Kahit na nakipag-ayos at nakikipagmabutihan ka na sa kanya ngayon ay sigurado ka sa sarili mo na hanggang doon na lamang ang kaya mong ibigay sa kanya.

Masuwerteng numero; 40 & 68

SAGITTARIUS

Walang malisya sa’yo ang sobra mong pagiging malapit sa isang kaibigan. Subalit sa kanyang paningin at gayundin sa paningin ng mga nasa paligid nyo ay may lihim kang pagtatangi sa kanya na taas noo mong itatanggi.

Masuwerteng numero; 4 & 13

CAPRICORN

Sa kabila ng kaliwa’t kanang problema na pinagdaraanan nyo ngayon ay hindi pa rin nito mapipigilan ang kasiyahang mararamdaman nyo sa inyong mga puso dahil mananatili kayong magkasama at nagtutulungan.

Masuwerteng numero; 8 & 17

AQUARIUS

Ang mga balakin ninyong mag-asawa ay mapupurnada sa araw na ito dahil sa pagdating ng ilang problema. Subalit waka kayong masyadong dapat ipag-alala dahil matutuloy pa rin naman ito sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 23 & 32

PISCES

Sa kabila ng iyong mga alalahanin tungkol sa inyong relasyon ay mananatiling smooth sailing ang takbo nito.mapapatunayan nyo pareho na kung tunay ang hangarin sa isa’t-isa ay love wins pa rin sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 3 & 5

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here