Love Horoscope; Setyembre 21

261

ARIES

Wala kang pakialam kung anuman ang pinagdaanan ng iyong kapareha sa kanyang nakaraan. Mas mahalaga sa’yo ang kasalukuyan niyang sitwasyon at pagkatao dahil dito nakasalalay ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 25 & 30

TAURUS

Mas mamatamisin mo pang mabuhay na mag-isa kaysa naman makasal ka sa isang tao na hindi mo pa gaanong kilala lalo’t higit ay hindi mo pa mahal. Babalakin mo na lumayo upang makaiwas dito at sa mga tao na nag-iimpluwensya sa’yo.

Masuwerteng numero; 8 & 19

GEMINI

Isang tao ang labis mong hahangaan sa ngayon dahil sa angkin niyang talento. Magmula sa araw na ito ay unti-unti nang mahuhulog ang loob mo sa kanya hanggang sa dumating ka sa punto na masasabi mong mahal mo na siya.

Masuwerteng numero; 30 & 40

CANCER

Tulad ng dati ay magiging mailap pa rin para sa’yo ang suwerte sa pag-ibig. Maitatanong mo na nga sa sarili mo kung ano ba ang pagkakamali mo upang paulit-ulit na mabigo at kung meron ba talagang nakalaan sa’yo.

Masuwerteng numero; 14 & 15

LEO

Araw ito ng pagsasaya kasama ang mahal sa buhay. Wala man kayong gaanong handa ay makukuntento ka na sa araw na ito ng mahalagang okasyon ninyong dalawa ay magkasama kayo, malusog at masaya sa piling ng isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 21 & 41

VIRGO

Wala ka ng makikitang balakid sa inyong pagmamahalan kaya naman susubukan mo ng tuparin ang matagal nyo ng plano na pagpapakasal. Ito na ang bagong goal mo ngayong wala ng probelma sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 28 & 30

LIBRA

Ang malasakit mo sa iyong kapareha ay tatatak sa isip niya kaya naman lalo ka niyang mamahalin. Ganoon din siya sa’yo kaya wala kang magiging dahilan upang humanap pa ng iba na nakahihigit sa kanya.

Masuwerteng numero; 9 & 10

SCORPIO

May kamalasang hatid ang araw na ito para sa inyong magkapareha. Pareho kayong maba-bad trip sa magkaibang dahilan kaya naman pag-uwi nyo sa bahay ay hindi maiiwasan na mapagbuntunan nyo ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 22 & 34

SAGITTARIUS

Ikaw ang higit na uunawa sa kanya ngayon. Ang pinagdadaanan ng iyong karelasyon ay hindi basta basta at kakailanganin niya ring manimbang sa pagitan nyo ng kanyang kapatid. Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 60 & 63

CAPRICORN

Wala kang dapat ipag-alala kung nagigipit ka man ngayon sa pera. Mauunawaan ka ng iyong mahal at ang totoo ay siya pa mismo ang tutulong sa’yo upang masolusyunan mo ang problema sa iyong budget para sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 52 & 59

AQUARIUS

Ikakatakot mo ang magiging desisyon ng iyong mahal na bumalik sa dating pinagtatrabahuhan. Alam mo na marami siyang hindi kasundo rito kaya naman hindi ka pabor at hindi ka magiging panatag sa kanyang pasya.

Masuwerteng numero; 13 & 31

PISCES

Isang hindi magandang sitwasyon ang kasusuungan mo ngayon. Pero dahil sa pagtatanggol sa’yo ng iyong kapareha ay mapapalagay na ang loob mo. Mas magiging matapang ka ng harapin ang paghamong ito.

Masuwerteng numero; 42 & 47

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here