Love Horoscope; Setyembre 20

269

ARIES

Magkakaroon ka ng kaugnayan sa isang tao na meron ng sarili niyang pamilya. Ang ugnayang ito ay hindi pangkaraniwan kundi isang espesyal na ugnayan na susubok sa katatagan mo bilang tao kaya’t ihanda mo ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 17 & 18

TAURUS

May maganda kang magagawa para sa inyong relasyon. Ang pagbibigay mo ng access sa iyong kapareha sa mga bagay na pribado dapat sa iyong buhay ay magiging daan para pagkatiwalaan ka niya ng sobra sobra.

Masuwerteng numero; 46 & 50

GEMINI

Hindi mo maiiwasan na makaramdam ng takot sa iyong kinakasama dahil sa hindi magagandang gawi na makikita mo sa kanya. Hindi ganito ang pagkakilala mo sa kanya kaya’t maninibago ka ng husto at magiging alisto.

Masuwerteng numero; 5 & 17

CANCER

Ikaw na ang nasaktan, ikaw pa ang magpapaubaya. Pero mas gugustuhin mo na itong mangyari kaysa patuloy na malunod sa isang relasyon na nag-uumapaw sa kasinungalingan. Alam mo na wala rin itong patutunguhan sa huli.

Masuwerteng numero; 16 & 22

LEO

Isang magandang bonding ang mangyayari sa pagitan nyo ng iyong mahal. Hindi ka na nag-eexpect ng effort mula sa kanya dahil alam mo naman na pareho kayo ngayong gipit sa pera. Pero mas uunahin pa rin niya ang iyong kaligayahan.

Masuwerteng numero; 40 & 65

VIRGO

Malilito ka kung sino sa dalawang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa’yo ang pipiliin mo. Ang iyong pamilya ay may kanya-kanya ring bet sa kanila at wala ka rin halos tulak kabigin sa kanilang dalawa kaya hindi ka pa makakapagdesisyon sa ngayon.

Masuwerteng numero; 23 & 24

LIBRA

Mahihirapan kang alamin kung ano ang itinatago ng iyong mahal dahil pagtatakpan siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Kaya kakailanganin mong maging mahusay na detective kung nais mo talagang malaman.

Masuwerteng numero; 46 & 49

SCORPIO

Wala kang balak na pag-ukulan ng pansin ang bagong pag-ibig na kakatok sa iyong puso. Ito ay dahil mas gusto mong abalahin ngayon ang sarili sa trabaho. Gusto mo munang maibigay ang pangangailangan ng iyong mga magulang.

Masuwerteng numero; 11 & 15

SAGITTARIUS

Huwag mong isisi sa iyong sarili kung hindi man naging matagumpay ang relasyon nyo ng iyong kapareha. Hindi mo solo ang kasalanan. Pareho lamang kayong may pagkukulang at pagkakamali sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 27 & 36

CAPRICORN

Kahit na ano pa ang nagawa mo sa iyong mahal ay mapapatawad ka pa rin niya. Pero ikaw na rin sa sarili mo ang mahihiyang magpakita pa sa kanya kung kaya’t pipiliin mo na lang muna ang lumayo upang makapag-isip.

Masuwerteng numero; 4 & 6

AQUARIUS

Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay mabilis ka lang din na makapagpapasya sa inyong pagsasama. Hindi mo na iisipin kung tama ba ang iyong desisyon ng pakikipaghiwalay. Ito ay dahil sa bugso ng iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 66 & 69

PISCES

Dahil sa mapapanood mo ay muli mong maaalala ang isang tao na minsang naging dahilan ng kasiyahan mo. Subalit siya rin ang naging dahilan ng kalungkutan mo kung kaya’t ayaw mo na sana siyang bigyan ng puwang sa isip mo.

Masuwerteng numero; 24 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here