Love Horoscope; Setyembre 19

459

ARIES

Marami kang hindi magugustuhan ngayon sa iyong kapareha. Mga gawi na hindi niya dati ginagawa. Kaya naman bago pa ito humantong sa hindi maganda ay kakausapin mo na siya ng masinsinan tungkol dito.

Masuwerteng numero; 26 & 35

TAURUS

Ang kagustuhan mo na maging maayos ang inyong relasyon ayon sa pinangarap mo ay magreresulta ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo. Iisipin niya na masyadong mataas ang expectation mo sa kanya at sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 18 & 21

GEMINI

Totoo ang pagmamahal at pagmamalasakit na ipinapakita mo sa iyong kapareha. Hindi man niya ito masuklian sa ngayon tulad ng inaasahan mo ay aasa ka pa rin na balang araw ay maa-appreciate niya ang lahat ng ito. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 10 & 15

CANCER

Mas matatanggap ng iyong pamilya at mga kamag-anak ang bago mong pag-ibig kaysa sa nakaraan mong relasyon. Ito ay dahil makikita nila ang pagpapahalaga nito sa’yo na hindi naibigay sa’yo ng una mong minahal.

Masuwerteng numero; 30 & 42

LEO

Mapapakibit balikat ka na lang sa magiging desisyon ng iyong mahal tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa kanyang trabaho. Hindi mo siya kokontrahin sa kanyang gusto dahil ayaw mong masisi sa huli.

Masuwerteng numero; 15 & 16

VIRGO

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa inyong pagsasama bunsod ng pagkakaalis mo sa trabaho. Ngayon mo malalaman ang tunay niyang kulay at kung hanggang saan lang ba ang pagmamahal niya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 50 & 67

LIBRA

May bago kang makukursunadahan para maging kapalit ng dati mong minahal sa iyong puso. Subalit hindi ka makakasiguro sa kanyang damdamin. Kakailanganin mo pa na alamin ang lahat ng tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 55 & 73

SCORPIO

Magkakaroon ka na rin sa wakas ng lakas ng loob para sabihin sa iyong mahal ang mga hinaing mo kaugnay sa inyong pagsasama. Gusto mo na maayos nyo pa ito bago pa man mauwi sa inyong paghihiwalay.

Masuwerteng numero; 4 & 8

SAGITTARIUS

Malaki ang magagawa mo para maibsan ang kalungkutan ngayon ng iyong mahal. Ikaw ang magiging stress reliever at clown niya sa mga panahong ito na wala siyang nakikita kundi puro kabiguan at kamalasan.

Masuwerteng numero; 20 & 34

CAPRICORN

Simula ngayon ay pag-iingatan mo na ang inyong relasyon. Aalagaan mo na rin siya ng higit pa sa pag-aalaga mo sa iyong sarili. Ito ay dahil makakaramdam ka ng takot na baka mawala siya sa’yo sa oras na hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 10 & 11

AQUARIUS

Magiging interesado ka rin sa bagong pinagkakainteresan ngayon ng iyong mahal. Kaya naman hindi mo na siya gagambalain at aawayin tungkol dito. Sa halip ay makiki-join ka na lang at magiging masaya para sa kanya.

Masuwerteng numero; 22 & 27

PISCES

May magandang mangyayari sa inyo ng iyong mahal ngayong araw na ito na hindi nyo pareho inaasahan. Magdudulot ito ng kabutihan para sa inyong relasyon at pareho kayong magkakaroon ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 15 & 46 ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here