Love Horoscope; Setyembre 17

191

ARIES

Hindi mo maiiwasan na makadama ng kalungkutan ngayong araw dahil mami-miss mo ang kanyang presensya. Ang isang araw lamang na hindi kayo magkita at magkausap ay isa ng malaking kalungkutan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 6 & 18

TAURUS

Sa kabila ng pagpapadama niya sa’yo ng kanyang pagmamahal ay hindi mo pa rin maiiwasang makadama ng selos dahil sa dami ng iba pa na malapit sa kanya gawa ng nature ng kanyang trabaho. Mahirap itong intindihin para sa’yo.

Masuwerteng numero; 15 & 20

GEMINI

Kahit alam mo na ngayon na dalawa kayo sa puso niya ay mahihirapan ka pa ring magdesisyon kung handa ka na bang bitawan siya o magtitiis ka muna at patuloy na kakapit sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.

Masuwerteng numero; 30 & 37

CANCER

Kahit na magmakaawa ka sa kanya at ibaba mo pa ng husto ang iyong sarili para lamang mapatawad ka niya ay hindi pa rin ito magiging epektibo sa ngayon. Kakailanganin mo pa siyang bigyan ng panahon na mag-isip.

Masuwerteng numero; 45 & 56

LEO

Mauubos ang pasensya mo ngayon sa iyong mahal dahil sa sobra niyang kakulitan. Ipagpipilitan pa rin kasi niya ang nais niyang mangyari na alam niyang ayaw na ayaw mo at gagamit pa siya ng ibang tao para lang makumbinsi ka. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 14 & 19

VIRGO

Ngayon na ang tamang panahon para bigyan mo ng pansin ang inyong relasyon. Masyado kang nasubsob sa trabaho nitong mga nakaraang araw kung kaya’t nakalimutan mo na ang mahalagang araw ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 13 & 31

LIBRA

Wala kang pakialam kahit pa magtampo ang iyong kapareha dahil hindi mo lang nasunod ang gusto niya. Para sa’yo, kailangan niyang maintindihan na hindi lamang siya ang dapat nasusunod sa lahat ng pagkakataon sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 10 & 40

SCORPIO

Makakaramdam ka ng awa sa iyong kapareha dahil alam mong nahihirapan na siya sa pagdadala ng problema ng kanyang pamilya at mga kamag-anak bilang bread winner at takbuhan nila sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Masuwerteng numero; 7 & 15

SAGITTARIUS

Matapos ang tampuhang naganap sa pagitan nyo nitong mga nakaraang araw ay magpapasya ka ngayon na bisitahin ang iyong karelasyon at ayusin ang gusot. Hindi mo matitiis na hindi siya makita at makausap.

Masuwerteng numero; 37 & 39

CAPRICORN

Hindi mo mamamalayan ang unti-unting pagkahulog ng loob mo sa isang malapit na kaibigan. Mahihirapan kang aminin ito sa iyong sarili dahil hindi mo gusto na sa kanya ka mainlab sa maraming dahilan.

Masuwerteng numero; 14 & 19

AQUARIUS

May pag-aming magaganap ngayong araw. Pero tulad ng inaasahan mo ay wala pa itong magiging kasagutan sa ngayon. Kakailanganin mo pang maghintay kung ano nga ba ang magiging tugon niya sa pag-amin mo ng pagmamahal. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 8 & 23

PISCES

Ito na ang tamang panahon para suklian mo ang tunay niyang pagmamahal para lang sa’yo. Alam mo naman na mutual ang feelings nyo kaya hindi mo na kailangan na mag-aksaya pa ng panahon para maging masaya.

Masuwerteng numero; 4 & 14

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here