Love Horoscope; Setyembre 16

213

ARIES

Ang pabor na matagal ng hinihingi sa’yo ng iyong mahal ay maibibigay mo na rin sa wakas. Kaya naman kahit papa’no ay mapapanatag ka ng hindi ka na niya kukulitin tungkol dito. Magiging komportable na rin ang iyong pakiramdam.

Mauswerteng numero; 6 & 17

TAURUS

Wala kang dapat ipag-alala sa iyong kapareha na nasa malayo. Mas mabuti ang kanyang kalagayan kaysa sa iniisip mo. Kaya maipapanatag mo na ang iyong loob at mabibigyang pansin mo na rin ang iba pang mahalagang bagay.

Masuwerteng numero; 10 & 23

GEMINI

Ikakalungkot mo ang iyong matutuklasan tungkol sa problemang kinakaharap ngayon ng iyong mahal. Bagamat hindi mo gusto ang isipin na inilihim niya ito sa’yo ay hahayaan mo na lang at tutulungan na lang siya na masolusyunan ito.

Masuwerteng numero; 50 & 60

CANCER

Give and take ang inaasahan mong magiging flow ng inyong relasyon. Pero sa nangyayari ay mukhang puro ikaw lang ang give ng give at siya naman ang take ng take. Hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal.

Masuwerteng numero; 14 & 24

LEO

Malaki ang tiwala mo sa iyong mahal at alam niya rin iyon. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi mo maiintindihan ang iyong sarili kung bakit tila kinukutuban ka na parang may inililihim siya sa’yong hindi maganda.

Masuwerteng numero; 56 & 68

VIRGO

Ikaiinis ng iyong kapareha ang pabago-bagong mong pagdedesisyon. Lalo na at may isang mahalagang bagay kang dapat na pagdesisyunan na makakaapekto sa inyong pamilya. Mahihirapan siyang intindihin ka dahil dito.

Masuwerteng numero; 19 & 20

LIBRA

Makikita mo na ngayon ang resulta ng palaging mong pagbibigay sa kapritso ng iyong mahal. Hindi masamang pagbigyan siya subalit kung alam mo ng hindi ito makakabuti ay dapat mo ring pinag-iisipan muna.

Masuwerteng numero; 42 & 67

SCORPIO

Matatangay ka sa kapusukan ng iyong damdamin at makakalimutan mo ang tao na tunay na nagmamahal sa’yo. Ang isang araw na pagkakasalang ito ay magdudulot ng habambuhay na pagsisisi sa’yo.

Masuwerteng numero; 17 & 27

SAGITTARIUS

Walang basehan ang iyong pagseselos at wala ring katotohanan ang iyong mga hinala. Iyan mismo ang mapapatunayan sa’yo ngayon ng iyong mahal kaya magkakaroon na rin ng kapanatagan ang naguguluhan mong damdamin.

Masuwerteng numero; 25 & 32

CAPRICORN

Kahit may anak na kayo ay hindi mo pa rin matatanggap na mas pinapaboran pa rin ng iyong asawa ang iyong mga in-laws kasya sa inyo na sarili na niyang pamilya. Kaya naman hindi mo maiiwasan na magdamdam.

Masuwerteng  numero; 54 & 69

AQUARIUS

Masakit man ay alam mo na kailangan mong tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t-isa dahil sa simula pa lang ng inyong relasyon ay puro problema na agad ang inyong kinaharap magpa-hanggang ngayon.

Masuwerteng numero; 18 & 19

PISCES

Masuwerte ka dahil may sapat kang lakas ng loob para maiwasan ang tukso. Dahil dito ay napakasuwerte ng maituturing ng iyong kapareha. Wagas at walang kapantay ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 15 & 21

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here