Love Horoscope Setyembre 15, 2021

459

ARIES

Ramdam na ramdam mo na pero hindi pa rin niya sasabihin sa’yo ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo. Sa puntong ito ay wala kang magagawa kundi hayaan siya at maging normal pa rin ang lahat sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 49 & 51

TAURUS

Tumanggi ka na noon pero magbabago ang isip mo ngayon tungkol sa napag-usapan nyo ng iyong mahal. May kinalaman ito sa inyong mga anak at sa pagkakataong ito ay mas pipiliin nyo pareho ang ikakabuti ng kalagayan nila.

Masuwerteng numero; 24 & 25

GEMINI

Mananatiling hungkag ang puso mo dahil sa patuloy mong pagsikil sa iyong damdamin. Hindi mo gusto na muling masaktan sa bandang huli kaya takot kang subukan na muling magmahal sa isang tao lalo na at hindi mo pa lubos na kilala.

Mauswerteng numero; 34 & 45

CANCER

Kakailanganin mong habaan pa ang iyong pasensya at pang-unawa sa iyong mahal. Mas mahihirapan kang intindihin siya ngayon na may mabigat siyang pinagdaraanan at ikaw lamang ang magiging sandalan niya.

Mauswerteng numero; 15 & 27

LEO

Mahihirapan kang ipaliwanag sa iyong mahal ang pagtanggap mo sa isang proyekto na magiging dahilan para pansamantala kayong magkalayo. Alam na alam mo kasing hindi siya papayag na malayo kayo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 50 & 60

VIRGO

Hindi mo pagsisisihan ang araw na nagdesisyon ka na sumama sa kanya dahil ngayon pa lang ay ipapakita at ipaparamdam na niya sa’yo ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig sa abot ng kanyang makakaya.

Mauswerteng numero; 34 & 38

LIBRA

Nasa kamay mo na pero pinakawalan mo pa. Ngayon mo lang mare-realize na ang pag-ibig ay maihahalintulad pala sa isang suwerte na minsan lang dadapo sa palad mo at hindi mo ito dapat balewalain.

Masuwerteng numero; 25 & 27

SCORPIO

Mahirap man tanggapin pero dumating na talaga sa hangganan ang inyong relasyon. Wala ka ng pagkakataon na makukuha para ituwid pa ang iyong mga pagkakamali at punan ang iyong mga pagkukulang.

Masuwerteng numero; 16 & 25

SAGITTARIUS

Kahit na ano pa ang sabihin ng iba ay masaya ka pa rin sa piling niya. Tulad ng dati ay hindi mo pa rin siya maipagpapalit sa anumang halaga ng pera dahil ang kaligayahan mo sa piling niya ay walang katumbas para sa’yo.

Masuwerteng numero; 33 & 39

CAPRICORN

Sa kabila ng hirap na dinaranas mo sa piling niya ay mananatili ka pa rin sa kanyang tabi. Ayaw mo kasi na masira ang inyong pamilya. Ito na lang ang pinanghahawakan mo na makapagsasalba sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 63 & 73

AQUARIUS

Ang padalos-dalos mong pagdedesisyon ay makakasakit sa damdamin ng iyong mahal. Hindi mo man ito sinasadya ay kakailanganin mo pa ring bumawi sa kanya nang sa gayon ay maging maayos ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 56 & 67

PISCES

Matapos ang napakarami ninyong ups and down na pinagdaanan , sa bandang huli ay kayong dalawa pa rin ang magtatagpo. Kaya maiiyak ka na lang sa tuwa na siya pa rin ang ibinigay sa’yo ng langit sa kabila ng lahat.

Masuwerteng numero; 36 & 57

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here