Love Horoscope; Setyembre 14

318

ARIES

Isang estranghero ang magpapangiti sa’yo ngayon. Kahit ngayon pa lang kayo nagkita ay magiging magaan na agad ang loob mo sa kanya at mai-imagine mo agad ang posibilidad na maging kayong dalawa. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 45 & 56

TAURUS

Alam ng langit ang tunay mong damdamin para sa iyong kapareha. Hindi mo man siya nabibigyan ng sapat na oras at atensyon ay sigurado ka sa pagmamahal mo sa kanya. Pero hindi siya manghuhula kaya kailangan mo itong iparamdam sa kanya.

Masuwerteng numero; 7 & 12

GEMINI

Sa dami ng mabibigat na problemang pinagdaanan ninyong dalawa ay hindi ka na masyadong nababahala  sa kinakaharap nyo ngayon. Alam mo na tulad ng dati ay malalapmpasan nyo rin ang mga ito.

Masuwerteng numero; 45 & 57

CANCER

Ilang beses mo na siyang pinagdudahan at ilang beses na rin niyang napatunayan sa’yo na mali ang iyong mga hinala. Kaya magdadalawang isip ka ngayon kung dapat mo pa bang i-entertain ang umuusbong na naman sa’yong pagdududa. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 13 & 23

LEO

Makikita mo na ngayon ang magandang resulta ng walang sawang pag-unawa at pag-aasikaso mo sa kanya. Ngayon ay maiintindihan mo na rin ng lubos kung bakit kailangan ninyong pagdaanan ang lahat ng pinagdaanan nyo.

Masuwerteng numero; 35 & 37

VIRGO

Walang talo o panalo ngayon pagdating sa pagwawakas ng isang relasyon. Kaya hindi mo dapat ikatuwa o ikalungkot ito dahil hindi pa rito natatapos ang lahat. Kung ano ang magiging resulta nito sa hinaharap ay saka mo pa lang masasabi kung ikaw ay nagwagi.

Masuwerteng numero; 69 & 78

LIBRA

Sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng inyong relasyon sa ngayon ay patuloy mo pa ring mararamdaman ang kanyang pagmamahal. Hindi ka niya iiwan sa gitna ng laban. Sasamahan ka niya hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 6 & 13

SCORPIO

Hindi mababalewala ang pagmamalasakit na ipinapakita mo sa iyong kapareha sa ngayon. Hindi man niya ito ma-appreciate agad-agad ay siguradong mare-realize niya ito lalo na sa panahon na kailangan mong umalis sa kanyang tabi. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 15 & 21

SAGITTARIUS

Hindi mo mapipigilan ang sigaw ng iyong damdamin. Kahit alam mo na meron ng nagmamay-ari sa kanya ay patuloy mo pa rin siyang mamahalin. Subalit sa kabila nito ay mananatili naman itong lihim sa iba.

Masuwerteng numero; 40 & 53

CAPRICORN

Alam mo na hindi ka gaanong attracted sa kanya. Pero dahil sa kantyaw ng iyong mga barkada ay mapipilitan kang bigyan siya ng pagkakataon sa puso mo. Kailangan mo itong pag-isipan muli bago mo pagdesisyunan ng final.

Masuwerteng numero; 56 & 68

AQUARIUS

Maaakit ka sa isang dating kaibigan. Ipagtataka mo ang palagi niyang pagdaan sa panaginip mo kaya mapapaisip ka kung may kaugnayan bang talaga ang panaginip mo sa katotohanan dahil unti-unti ka ng naa-attract sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 17

PISCES

Dahil sa sobra mong kaabalahan sa trabaho ay pagbibigyan mo na lang ang kahilingan niya kahit hindi mo pa ito gaanong naiintindihan. Saka mo na ulit ito pagtutuunan ng pansin kapag natapos ka na sa iyong mga pinagkakaabalahan.

Masuwerteng numero; 12 & 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here