Love Horoscope Pebrero 26, 2021

716

ARIES

Smooth sailing ngayon ang lovelife mo matapos ang ilang araw na problemang hinarap ng inyong relasyon. Magiging puspusan ang panalangin mo na wala na sanang kasunod pang mabigat na problema gaya ng pinagdaanan nyo.

Masuwerteng numero; 1 & 3

TAURUS

Sasama ang loob mo sa iyong mahal dahil sa pakiramdam mo ay hindi ikaw ang priority niya. Mas pinapakinggan at pinapanigan niya ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan kaysa sa’yo na karelasyon niya.

Masuwerteng numero; 25 & 35

GEMINI

Hindi ka pa ganoon kasigurado sa kanya pero ibibigay mo pa rin ang lahat. Ganyan ka kasi magmahal, todo at hindi na iniisip ang sariling kapakanan. Dahil diyan ay kaliwa’t kanan ang payo na matatanggap mo mula sa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 31 & 37

CANCER

Matagal na siyang nagbago sa pakikitungo sa’yo pero ngayon lang magsi-sink in sa isip mo ang lahat. Sa araw na ito ay mapagmumuni-munihan mo ang mga pangyayari at maiisip mo na dapat mo na siyang bitawan.

Masuwerteng numero; 50 & 64

LEO

Makakaramdam ka na ng pagkasawa sa pagiging single kaya susubukan mo na maghanap ng kapareha sa internet. Maraming pupukaw ng interes mo pero hanggang doon lang at wala ka pa ring mahahanap na talagang swak sa taste mo.

Masuwerteng numero; 26 & 34

VIRGO

Attracted ka sa matatalinong tao kaya naman may makakakuha ng atensyon mo ngayon. Sa unang beses pa lang ng pag-uusap nyo ay mapapansin mo na agad ang kanyang katalinuhan kaya magiging interesado ka sa kanya.

Masuwerteng numero; 7 & 9

LIBRA

Take it or leave it ang magiging drama ng relasyon nyo ngayon. Wala kang plano na magbago o mag-adjust para sa kanya. Kaya kung hindi niya matataggap ang tunay na ikaw ay hindi mo siya pipigilan na lumayo.

Masuwerteng numero; 11 & 22

SCORPIO

Magiging masaya pa rin ang araw mo sa kabila ng mga problemang kinakaharap dahil sa gitna nito ay kasama mo naman ang iyong mahal at hindi niya hahayaan na mag-isa ka lang humarap sa mga problema. Dadamayan ka niya.

Masuwerteng numero; 90 & 92

SAGITTARIUS

Sa kabila ng mga pagkakamaling magagawa mo ngayong araw ay mananatiling buo ang tiwala sa’yo ng iyong mahal. Batid niya na meron ka ring mga kahinaan na kailangan niyang tanggapin tulad ng pagyakap niya sa magagandang katangian mo.

Masuwerteng numero; 40 & 44

CAPRICORN

Kahit ayaw na niya ay sisikapin mo pa rin na mabago ang kanyang isip. Siya ang laging nagbibigay buhay  at kulay sa araw mo kaya kung hahayaan mo siyang mawala sa’yo ay hindi mo alam kung makakayanan mo.

Masuwerteng numero; 13 & 19

AQUARIUS

Magngingitngit ka sa inis dahil matutuklasan mo na ang dating karelasyon ng iyong asawa ay sinusubukan pa ring bumalik sa buhay niya. Alam naman niyang pamilyado na ang iyong asawa pero tila pinipilit pa ring makasingit.

Masuwerteng numero; 20 & 27

PISCES

May bago kang magiging inspirasyon. Sa sulyap pa lang niya ay makakadama ka na ng kilig at tuwa. Hindi naman siya nakakaakit tulad ng iba at wala ka pang nakikitang kakaibang katangian sa kanya pero iba na agad ang magiging dating niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 65 & 68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here