Love Horoscope Pebrero 23, 2021

636

ARIES

Kahit na nagkakaroon kayo ngayon ng mga hindi pagkakaunawaan ay wala kang balak na iwanan o hiwalayan siya. Mas marami naman kayong magagandang bagay na pinagsamahan kaysa sa hindi pinagkaintindihan.

Masuwerteng numero; 30 & 36

TAURUS

Maganda ang magiging mood mo pagkagising mo pa lang sa umaga dahil siya na agad ang makikita mo. Ang tao na palaging nagpapaganda at nagpapakumpleto ng araw mo. Kaya muli kang magiging inspirado sa iyong mga gawain.

Masuwerteng numero; 67 & 69

GEMINI

Habang tumatagal ay mas lalo pang lumalalim ang pagtingin mo sa kanya. Pero alam mo na hindi mo ito pwedeng sabihin kahit na kanino lalo na sa kanya dahil ayaw mong maging kumplikado ang sitwasyon sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 34 & 45

CANCER

Maririndi ka sa mga reklamong maririnig mo sa iyong kinakasama. Pero hindi mo naman siya magagawang kontrahin dahil alam mo na meron siyang punto sa kanyang mga sinasabi na dapat mong pakinggan.

Masuwerteng numero; 25 & 27

LEO

Hindi mo maiiwasan na sumama ang loob sa iyong mahal dahil sa pakiramdam mo ay binalewala niya ang effort mo para mapasaya siya sa gitna ng kanyang mga problema. Pero hindi pa rin siya matitinag kahit sumama ang loob mo.

Masuwerteng numero; 35 & 57

VIRGO

May makikilala kang magbibigay ng palaisipan sa’yo sa buong maghapon. Pakiramdam mo ay matagal ka na niyang kilala dahil sa dami ng alam niya sa buhay mo. Pati ang iyong lovelife ay mauungkat niya sa pagitan ng inyong pag-uusap.

Masuwerteng numero; 8 & 15

LIBRA

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa iyong buhay pag-ibig. Dahil sa wakas ay magkakaroon na rin kayo ng perfect time ng iyong mahal para sa isa’t-isa sa kabila ng pareho ninyong pagiging abala sa trabaho.

Masuwerteng numero; 41 & 43

SCORPIO

Mahihirapan kang talikuran ang iyong kinakasama dahil sa dami ng nagawa niyang tulong at pagbibigay para sa’yo. Kaya naman kahit naiinis ka na sa mood swings niya ay pipiliin mo na lang na unawain ito kaysa patulan.

Masuwerteng numero; 50 & 52

SAGITTARIUS

May isang tao na palaging magiging laman ng puso’t isipan mo kahit na meron ka ng kasalukuyang relasyon. Bagamat alam mo na hindi ka nagiging patas sa kanya ay hindi mo naman siya magagawang iwanan.

Masuwerteng numero; 7 & 8

CAPRICORN

Tulad ng dati ay mananatili pa ring masalimuot ang iyong buhay pag-ibig. Masyado pa ring magulo ang itatakbo nito dahil ikaw mismo ay hindi makapagpasya ng maayos. Laging madalian at mabilisan nang hindi pinag-iisipan.

Masuwerteng numero; 10 & 12

AQUARIUS

Ikakalungkot mo ang maagang pagdedesisyon ng iyong asawa tungkol sa isang bagay na inaasahan mong pag-iisipan muna niyang mabuti. Dahil sa biglaan niyang desisyon ay mangangamba ka sa magiging resulta nito.

Masuwerteng numero; 34 & 45

PISCES

Sweet words lang niya ang hinihintay mo para mapawi ang sama ng loob mo pero hindi ito mangyayari ngayon. Wala kang maririnig na kahit anuman mula sa kanya dahil abala siya sa ibang bagay na walang kinalaman sa inyo.

Masuwerteng numero; 10 & 15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here