Love Horoscope Pebrero 22, 2021

620

ARIES

Isa sa mga naging ex mo ang mamamaalam sa mundo. Dahil minsan siyang naging bahagi ng buhay mo kaya hindi mo rin maiiwasan na makadama ng lungkot kahit papaano sa maaga niyang paglisan sa mundong ito.

Masuwerteng numero; 13 & 66

TAURUS

Palagi kang takot mabigo dahil sa napagdaanang pag-ibig kaya palagi ka ring takot na muling sumubok magmahal. Dahil sa attitude mong ito ay mapapalampas mo ang isang tunay na pag-ibig na minsan lang dadaan sa buhay mo at kakatakot sa puso mo.

Masuwerteng numero; 52 & 78

GEMINI

Magkakaroon ka ng bagong inspirasyon sa katauhan ng isang tao na matagal mo ng iniiwasan. Pero wala kang balak na ipaalam sa kanya ito. Ayaw mong malaman ito ng iba kaya mas pipiliin mo na maging tahimik lang sa iyong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 12 & 21

CANCER

Maiipit ka sa sigalot ng dalawang tao na nagmamahalan. Hindi mo man gusto na madamay ka sa kanilang hindi pagkakasunduan ay hindi mo maiiwasan dahil may tao na magbabanggit ng pangalan mo tungkol sa kanilang hidwaan.

Masuwerteng numero; 6 & 9

LEO

Hindi mo alintana ang paglisan ng iyong mahal dahil sa pagkasubsob mo sa trabaho. Subalit ngayong araw ay saka mo mararamdaman ang kahungkagan ng iyong damdamin at kakulangan dahil sa pagkawala ng kanyang presensya.

Masuwerteng numero; 34 & 35

VIRGO

May malaking pagbabagong magaganap sa inyong relasyon. Maninibago sa’yo ang iyong kapareha dahil hindi ka na tulad ng dati na nakikipaglaban para sa kapanatagan at katatagan ng inyong pagsasama. Sa ngayon ay mananahimik ka na lang.

Masuwerteng numero; 25 & 29

LIBRA

Waiting ka pa rin sa iyong truelove. At hindi ka magsasawang maghintay. Kahit na meron namang nagmamahal sa’yo kung wala ka namang nararamdaman para sa kanya ay mas gugustuhin mo ng mag-isa.

Masuwerteng numero; 10 & 11

SCORPIO

Maiinis ka sa ipapakitang attitude ng iyong kapareha sa kanyang social media account. Hindi mo magugustuhan ang kanyang mga post at comments kaya naman susubukan mo siyang sitahin tungkol dito.

Masuwerteng numero; 13 & 18

SAGITTARIUS

May magseselos dahil sa magandang ipinapakita mo sa iba. Ang pagiging sweet mo sa isang bagong kaibigan ay hindi makakaligtas sa paningin ng isang tao na lihim na nagmamahal sa’yo kaya siya ay kakainin ng selos.

Masuwerteng numero; 44 & 48

CAPRICORN

Kahit na anong pagtanggi mo sa iba lalo na sa iyong sarili ay hindi mo pa rin maiiwasan ang damdamin na patuloy na umuusbong sa puso mo. Hindi magtatagal at hindi mo na maipagkakaila pa ang espesyal mong damdamin para sa kanya.

Masuwerteng numero; 15 & 21

AQUARIUS

Huwag kang mag-alala, dahil wala man kayong komunikasyon ngayon ng taong minamahal mo ay hindi kayo makakaiwas sa pasya ng tadhana. Malapit nang muling magkrus ang landas nyo na siya mong pinakahihintay.

Masuwerteng numero; 24 & 37

PISCES

Kukulangin ka ngayon ng oras para sa iyong mahal dahil sa dami ng nakabinbing trabaho na kakailanganin mong tapusin. Hindi ka man sigurado na mauunawaan ka niya pero kailangan mo pa ring gawin.

Masuwerteng numero; 35 & 56

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here