Love Horoscope Oktubre 7, 2022

ARIES

Sa pag-ibig ka pa rin makakakuha ng lakas kahit na ano pang gawin mong pagtatakwil dito. Napopoot ka lang ngayon dahil sariwa pa ang sugat na dulot ng nagdaang pag-ibig pero darating pa rin ang paghihilom nito.

Masuwerteng numero; 15 & 30

TAURUS

Dahil naiinip ka na sa pagkilos ng iyong kapareha ay ikaw na ang kusang kikilos para matugunan ang inyong mga pangangailangan. Wala ka ng magiging pakialam kahit ano pa ang marinig mo sa iyong mga magulang laban sa iyong kinakasama.

Masuwerteng numero; 7 & 8

GEMINI

Hindi mo na dapat panghinayangan ang nasirang relasyon dahil tama lang ang nangyaring pagkabuwag nito. Gayunpaman, kailangan mong pulutin at dalhin saan ka man magtungo ang mga aral na idinulot nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 26 & 69

CANCER

Ikaiinis mo ang hindi niya pagpaparamdam sa’yo. Kaya makikipagmatigasan ka rin sa kanya. Pero ikaw pa rin ang unang susuko dahil mukhang makakaya ka niyang tikisin kahit tuluyan ka ng hindi magparamdam sa kanya.

Masuwerteng numero; 10 & 20

LEO

Kung naging spoiled man ang iyong kapareha, ito ay dahil na rin sa sarili mong kagustuhan. Ikaw ang nagpamihasa sa kanyang mga kapristo kaya naman mahihirapan ka ngayong ayusin ang attitude niyang ito.

Masuwerteng numero; 33 & 43

VIRGO

Hindi ikaw ang tipo na mapaniwalain sa mga sabi sabi lalo na kung ito ay paninira. Pero kung sariling mga mata mo na mismo ang makakasaksi ay siguradong aaksyunan mo ito at hindi kukunsuntihin para sa ikabubuti ng inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 25 & 46

LIBRA

Matatapos na ang iyong pagmumukmok na dulot ng pagkabigo sa pag-ibig. Darating na rin sa iyong buhay ang tao na magpapadama sa’yo ng bagong kaligayahan at hindi mo siya maiiwasan kahit gustuhin mo munang magpahinga ang iyong puso.

Masuwerteng numero; 18 & 28

SCORPIO

Kahit na ayaw mo sa kanya ay hindi mo naman maiiwasan na lihim siyang hangaan sa tibay at lakas ng loob niyang mapalapit sa’yo. Ang kanyang pagpupursige ay magagawa lamang ng isang taong tunay na nagmamahal.

Masuwerteng numero; 38 & 47

SAGITTARIUS

Kung dati ay mag-isa mo lang hinaharap ang iyong mga problema, ngayon ay mas magiging magaan ito sa’yo dahil may makakapitan ka na. Mula ngayon ay hindi niya hahayaan na pasanin mong mag-isa ang malaki man o maliit na problema dahil mahal ka niya.

Masuwerteng numero; 4 & 29

CAPRICORN

Lubos ang tiwalang ibinibigay mo sa iyong kapareha kaya magiging masakit sa’yo na malamang hindi niya ito pinahalagahan. Ngayong araw ay pag-iisipan mong mabuti ang iyong magiging hakbang upang pagsisihan niya ang kanyang nagawa.

Masuwerteng numero; 75 & 89

AQUARIUS

Hindi mo na siya pipigilan sa nais niyang mangyari ngayong araw. Batid mong puro problema at sakit ng ulo lang ang naidulot mo sa kanya kahit hindi mo naman sinasadya kaya hahayaan mo na siyang makalaya mula sa iyong pag-ibig.

Masuwerteng numero; 4 & 13

PISCES

Pahinga muna kayo sa drama ngayon. Mas pipiliin nyo munang magbonding at maging masaya nang sa gayon ay malaman nyo kung may pag-asa pang maibalik sa dati ang relasyon ninyong nagulo dahil sa ibang tao.

Masuwerteng numero; 24 & 27