Love Horoscope Oktubre 6, 2022

ARIES

Kung ayaw mo na mabigo sa pag-ibig ay huwag kang masyadong magmadali. Marami ka pang kailangan matutunan habang tinatahak mo ang landas nito. Pulutin mo ang mga aral at isabuhay ito upang hindi mabigo sa huli.

Masuwerteng numero; 17 & 22

TAURUS

Magdadalawang isip ka kung dapat ka na bang bumitaw o hindi sa inyong relasyon. Bagamat maraming balakid sa ngayon ay alam mo sa puso mo kung gaano mo siya kamahal. Hindi ka lang sigurado kung pareho kayo ng nararamdaman.

Masuwerteng numero; 50 & 60

GEMINI

Muling iiral sa’yo ang selos dahil sa mga makikita mo sa kanyang social media account. Pero kahit selos na selos ka na ay hindi ka pa rin makakapagreact dahil alam mo na mamasamain niya lang ang iyong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 13 & 31

CANCER

Mas magiging matibay ngayon ang inyong relasyon dahil mapapatunayan mo na handa ka niyang ipaglaban kahit sa sarili niyang pamilya. Sa kabilang banda ay ikakalungkot mo rin na hindi mo kasundo ang iyong mga in-laws.

Masuwerteng numero; 66 & 68

LEO

Dahil sa muling pagkabigo ay pag-iisipan mo ngayon kung dapat ba na maging habambuhay ka na lang na maging single. Parang magkakaroon ka na ng phobia na magtiwala muli sa pagmamahal na huwad lang pala.

Masuwerteng numero; 9 & 16

VIRGO

Dahil sa sobrang kaabalahan mo sa trabaho ay hindi mo mapapansin ang unti-unting paglayo ng loob sa’yo ng iyong mahal. Sa araw na ito ay hindi mo na halos mararamdaman ang kanyang presensya kahit sa social media.

Masuwerteng numero; 5 & 12

LIBRA

May bagong inspirasyon kang makikilala. Pero ang saya at kilig na idudulot niya sa’yo ay panandalian lamang dahil agad mo ring malalaman ang katotohanan na hindi na siya malaya at comitted na siya sa iba.

Masuwerteng numero; 37 & 47

SCORPIO

Pagsisisihan mo ang araw na binigyan mo siya ng labis na sama ng loob. Dahil ngayon ay tila babaligtad ang mundo. Sa oras na muli mo siyang makita ay malayo na siya sa dati. Hindi na ang tao na dati mong kinawawa ang puso.

Masuwerteng numero; 3 & 5

SAGITATRIUS

Sa araw na ito ay hindi ka mapapalagay dahil magiging laman ng isip mo ang sitwasyon nyo ng iyong karelasyon. Sa dami ng problemang hinaharap nyo ngayon at wala man lang kayong kakampi ay tila gusto mo ng sumuko.

Masuwerteng numero; 55 & 67

CAPRICORN

Kaiinisan mo ang isang kaibigan na nagbubuyo sa’yo sa isang tao na hindi mo gusto. Mas nanaisin mo pa na hindi ka magka-lovelife kaysa ma-link ka sa isang tao na ayaw mo at malaki ang agwat sa’yo sa edad gayundin sa buhay.

Masuwerteng numero; 9 & 25

AQUARIUS

Mapapasubo ka sa isang kasunduan. Ito ay dahil sa kagustuhan mo na mapagbigyan ang kahilingan ng iyong mahal. Ayaw mo na biguin siya kaya kahit na mahirapan ka ay papasukin mo pa rin ang sitwasyon na ayaw mo.

Masuwerteng numero; 4 & 8

PISCES

Mababaling ang atensyon mo sa ibang tao na magpapangiti sa’yo ngayon. Pero pahihirapan mo lang ang sarili mong damdamin dahil alam mo na wala ka ng karapatan na magbigay ng atensyon sa iba dahil may nagmamay-ari na sa puso mo.

Masuwerteng numero; 61 & 68